Ang pagkabagot o pagkainip ay kadalasang nararanasan sa mga panahong walang magawa at hindi makalabas ng tahanan upang magliwaliw at makapasyal sa magagandang lugar. Ngayon nga na may suliraning kinakaharap ang sambayan dahil sa COVID-19 at minabuti ng gobyerno na magpatupad ng community quarantine sa buong Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.
Kaya naman, ang mga estudyanteng walang pasok at ilang kabataan na mananatili sa kanilang tahanan sa loob ng isang buwan ay nahihirapang harapin ang pagkabagot. Ngunit, sa mahabang panahon na pamamalagi sa loob ng tahanan ay marami ang kapaki-pakinabang na maaaring gawin na makakapagpaalis ng pagkainip.
Ang teen actress nga na si Andrea Brillantes ay ramdam rin ang pagkabagot ng mga kabataang tulad niya habang pinapatupad ang enhanced community quarantine. Ngunit, ang suliraning kinakaharap ng mga kabataan na labanan ang pagkabagot sa loob ng tahanan ay nagawan ng paraan ni Andrea upang magamit ang bawat oras at maging kapaki-pakinabang.
Noong ika-18 ng Marso, masayang ibinahagi ni Andrea ang kanyang na ideya upang labanan ang pagkabagot ng mga kabataan. Sa maikling video na kanyang inupload sa Instagram, ipinakita ng teen actress ang iba’t ibang klase ng paraan na maaaring gawin sa loob ng tahanan, na makakatulong at kapaki-pakinabang habang hindi makalabas ng bahay dahil sa enchanced community quarantine.
Habang ipinapakita sa screen ang bawat paraang maaaring gawin, gumawa naman ng reenactment ang aktres kung saan ipinapakita niya ang hawak na bagay na kinakailangan sa bawat gawain.
Ang mga maaring ngang gawin ayon sa kanyang video ay ang mga sumusunod:
Do chores- Na talagang kapaki-pakinabang na habang nasa bahay ay makatulong sa mga magulang sa pamamagitan ng paglilinis at pag gawa ng mga gawaing bahay.
Binge watch series and movies- Pwede rin talagang manood ng mga pelikula upang malibang at maiwasan ang pagkabagot.
Study online- Dahil nga walang pasok, maaari rin namang gamitin ang oras at ilaan na lamang sa pag-aaral gamit ang internet.
Work out-para mapanatili namang malusog ang pangangatawan, kailangan talaga nating mag-ehersisyo kahit pa nasa ilalim ng quarantine.
Play with your pets- kung may mga alaga namang hayop sa tahanan, ito na ang tamang panahon upang makipaglaro sa kanila.
Maaari ring magdrawing na lamang para mahasa ang talento sa pagguhit at wag mainip habang nasa loob ng tahanan.
Take this time to meditate, take care of yourself and heal- importante sa lahat upang huwag dapuan ng sakit, ang tamang pangangalaga sa sarili at magpagaling kung may dinaramdam naman na sakit.
Sa post ng aktres ay makikita ang kanyang pag-aalala sa bawat-isa, kaya naman ipinarating niyang manatiling ligtas at alagaan ang kalusugan ng bawat isa.
“Stay safe po sa lahat and take care of your health I love you all ?️”