Connect with us

Entertainment

Anak Ng Batikang Aktor Na Si Joel Torre May Pagkakahawig Kay Julia Montes

Sa larangan ng industriya ng showbiz isang malaking kalamangan ang pagkakaroon ng koneksiyon na maaaring makatulong sa isang nagnanais na pasukin ang mundo ng pag-arte.

Photo Credit: Marela Torre Instagram


At lalong isang malaking opurtunidad kung ang maaaring maging daan na mapasok mo ang mundong pinapangarap ay taong malapit na malapit sa iyo.

Photo Credit: Marela Torre Instagram

At para sa dalagang anak ng batikang aktor na si Joel Torre hindi niya sundan ang ilang mga katulad niya may dugong artista na piniling pasukin ang pag-aartista dahil lamang may kapamilya na nagtatrabaho dito. Kung ang iba ay ginagawang daan ang pagkakaroon ng kamag-anak upang madaling makapasok sa industriya ng pag-arte ay malayong malayo ang isipan ng anak na babae ng Kapamilya aktor.

Photo Credit: Marela Torre Instagram


Para sa dalagang si Marela anak ng kilalang aktor-producer sa kanyang may-bahay na si Christy Azcona nagdesisyon siya na maging mahusay sa sariling career malayo sa mundo na pinagtatrabahuhan ng amang si Joel. At diumano ayon sa ina niya na si Christy sariling desisyon ng dalaga na wag pumasok sa showbiz

Photo Credit: Marela Torre Instagram

Sa kasalukuyan ay abala siya sa sariling negosyo ng kanilang pamilya na “JT’s Manukan Grille na matatagpuan sa Negros Occidental, Bacolod City, ang nasabing kainan ay nag-aalok ng mga sinauna at tradisyonal na pagkain na siya ring hometown ng “Starla” aktor.

Photo Credit: Marela Torre Instagram


Mahilig din ang magandang dalaga na magpunta sa iba-ibang lugar lalo na sa mga beach patunay nito ang ilang mga larawan na kanyang ibinabahagi sa kanyang social media sites. Hilig din ni Marela ang ilang sports tulad ng boksing at bukod pa dito ay libangan din niya ang landscaping at painting. Masasabing malaki talaga ang potensiyal ng dalaga na maging artista dahil sa kinuha din siyang modelo ng kilalang magazine na ‘YES’.

Photo Credit: Marela Torre Instagram

Samantala, ilang mga nakapansin sa angking ganda ng dalaga ang nagsabi na may pagkakahawig siya sa mahusay na aktres na si Kapamilya star Julia Montes. Si Julia ang bida sa pinakabago at pinaka-unang weekly teleserye sa ABS-CBN. Tunay na sa angking ganda at sa taglay na apelyido ni Marela Torre ay masasabing malaki talaga ang puwang niya sa mundo ng pag-aartista.

error: Content is protected !!