Alden Richards, Ipinasilip Ang Kanyang Nakakamanghang PC Setup Na Nagkakahalaga Umano Ng Kalahating Milyon

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang hilig na nakakapagbigay ng kasiyahan sa atin. Ang ilan pa nga sa atin, ang hilig na ating pinagkakaabalahan ay ginagawang libangan ngunit ang ilan naman ay pinagkakakitaan.

Photo Credit: Mark van Acosta Facebook




Pero ang mas maganda sa gawain na ating nakahiligan ay kung nalilibang kana tapos kumikita ka pa. Sa mga hilig rin nating ito ay nagbibigay tayo ng oras, maging ang paglaan ng pera upang pangtustos dito ay sadyang hindi mawawala sa atin. Na kahit gaano man kalaki ang halaga ay maglalaan talaga tayo ng pera upang makamit natin ang kaligayahang minimithi.

Photo Credit: Mark van Acosta Facebook

Kagaya na lamang ng sikat na aktor na si Alden Richards na naglaan talaga ng pera upang makabili ng isang PC at kanya pang pinasadya para sa kanyang livestreaming na kung saan ay maglalaro siya ng video games. Ngunit ayon sa Pep.ph, hindi lang basta-bastang PC set up ang pinaglaanan ng salapi ni Alden sapagkat ang naturang PC set up umano ay nagkakahalaga ng kalahating milyon.

Sa Twitter ni Alden nitong mga nakaraang linggo, nagbahagi siya ng isang larawan na kung saan makikita ang kanyang napakaganda at kamangha-manghang PC, na kanyang nilakipan ng caption na “Soon”.

Photo Credit: Alden Richards Tweeter




Nagsimula ang lahat nang ang sikat na video game streamer at cosplay star na si Alodia Gosiengfiao ay hinamon ang aktor sa isang one on one match sa kilala at sikat na larong kinagigiliwan ngayon na mobile game na “Mobile Legends”.

Sa Video na ibinahagi ni Alodia, sinabi ni Alden na natutuwa siya sa tuwing napapanood na maglaro ng video games sa mga streaming sites ang kanyang mga kaibigan, kaya naman naisip niya na gusto rin niyang gawin ang bagay na ito na kanyang nakahiligan narin.

Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube Channel

Matatandaan sa naging panayam ni Alden sa programang Magandang Buhay kasama si Kathryn noong nakaraang taon buwan ng Hulyo na napag-usapan ang tungkol sa hilig ni Alden. Na kung saan ay ibinunyag ni Kathryn ang labis na pagmamahal at pagkahilig ni Alden sa mga online games, na talagang naglalaan ng oras sa paglalaro.

“May mga oras na hindi mo makakausap”

pahayag ni Kathryn.

Photo Credit: Mark van Acosta Facebook




Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung kelan magsisimula ang aktor sa kanyang livestreaming, ngunit marami na sa kanyang mga tagahanga ang nakaabang at excited sa kanya upang mapanood.

Photo Credit: Mark van Acosta Facebook

Ayon naman sa ulat ng PEP, tinatayang nagkakahalaga umano ng P350,000 ang PC Setup ni Alden, na kung saan ay likha ng isa sa mga taga gawa ng custom gear na si Mark van Acosta ng Declassified Systems. Dagdag pa dito ang iba pang kagamitan na kinakailangan sa live streaming kaya naman umabot ito ng P450,000.

Makikita naman ang buong detalye ng specs ng PC ni Alden sa post ni Acost:

Custom Pc Build #68 " Azure " Asus Gaming Streaming Set-up Lian--Li 011 Dynamic XL