Aktres Na Si Kiray Celis Libreng Ipinamigay Ang Kanyang Mga Pre-Loved Na Sapatos Sa Mga Netizen

“It is more blessed to give than to receive”, totoong sa lumang kasabihan na ito na ang sinumang nagbibigay ay higit na mapalad kaysa sa tumatanggap.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram


At ang pagkakaroon ng pagkakataon na makapagbigay sa iba ay isang patunay na higit kang nakakaluwag sa buhay.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

At para sa aktres na si Kiray Celis kakaibang pamamaraan ang kanyang naisip upang makapagbigay sa iba lalo na sa kanyang mga tagahanga. Napagdesisyunan niya na ipamigay na lang ang mga pagmamay-aring sapatos na sa sobrang dami ay hindi na rin niya nagagamit. At nais niyang mapakinabangan pa ang mga dating gamit na sapatos kaysa maluma pa ito at masira lang.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram


Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang mga ‘pre-loved’ na sapatos na handa niyang ipamigay sa sinumang netizen na manghihingi nito.

“kiraycelis Ako po yung tipo ng tao na mahilig sa sapatos pero dalawa lang ang aking paa. Kaya hindi naman lahat nagagamit ko kaya imbes na masira at maluma ng hindi ginagamit, bilang di po ako nagbabazaar ng mga preloved ko, binibigay kopo sa mama ko, sister in law, sa mga pinsan at lola ko o mga kaibigan na may kasya, O kahit sino na size 5. Message niyo lang po ako ?????”.

Caption pa dito ng aktres.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 9,950 comments at maraming share ang naturang Instagram post ni Kiray. At mababasa pa nga sa nasabing post ang isang komento ng isang netizen na nagsasabing.

“Yey thank you po size 5 here ?di na nakakabili new shoes kasi inuuna yung needs ng twins ko ☺️”, na kaagad naman na nireplayan ni Kiray “pasend po ako ng address, name and contact number niyo. 🙂“.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram


Ilang mga tagahanga ng taong gulang na aktres ang nag-mensahe sa kanilang idolo na umaasang makatatanggap din ng mga ipinamimigay nitong pre-loved na sapatos,

“Jojulie0909 Me po size 5 and a shoe lover sana mabigyan niyo aq kahit isang pair so i can brag na may sapatos aq na bigay ng artista….?”

“iampaupauu Hello miss kiray celis ?? nakita ko po yung post mo about sa mga shoes mo. Hope so mabigyan po ako. As a mother na hindi na makabili ng mga needs ko din ?? @kiraycelis”

“em_eimz Baka nemen, maambunan ng size 5 dyan. ???”

“kimmin hello po.maam size 5 here me and may mama usually nghhiraman po kami ng shoes kase magkaparehas kmi ni size”

“janmaetandoc Ako po size 5 magkasize lang po tayo baka naman po ate kiray, please ?????”.