Kadalasan, ang mga iniidolo nating artista ay naging hilig na ang pamimili ng mga magagandang damit at sapatos na kanilang ginagamit sa kanilang trabaho bilang artista.

Kailangan nila ito dahil sa bawat eksena o anumang proyektong ginagawa ay iba rin ang kasuotang ginagamit. Maging sa pagdalo sa iba’t ibang okasyon ay naglalaan rin sila ng oras upang makabili ng bagong damit na naaayon dito. Kaya naman habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang kanilang mga damit at sapatos na halos hindi man lang nagamit ng maraming beses.

Kaya naman ang ilang artista ay ipinagbibili na lamang sa mga bazaar ang mga gamit at kasuotang hindi nila masyadong nagamit. Ngunit ang aktres na si Kiray Celis ay hindi ginagawa ang bagay na ito. Dahil mas gusto niya na ipinamimigay ang kanyang mga pre-loved items sa mga taong mahal niya.
Kamakailan nga nang dagsain ng mensahe si Kiray sa kanyang Instagram, nang magpost siya na balak niyang mamigay ng mga pre-loved na sapatos sa kanyang mga followers.

Ayon sa aktres, hindi na raw bago sa kanya ang mamigay ng mga gamit. Dahil matagal na niya itong ginagawa sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Kaya naman ngayon nga ay sa mga followers naman niya sa Instagram ibabahagi ang mga pre-loved na sapatos.
“Ako po yung tipo ng tao na mahilig sa sapatos pero dalawa lang ang aking paa. Kaya hindi naman lahat nagagamit ko. Kaya imbes na masira at maluma nang hindi ginagamit, bilang di po ako nagbabazaar ng mga preloved ko, binibigay ko po sa mama ko, sister in law, sa mga pinsan at lola ko o mga kaibigan na may kasya. O kahit sino na size 5, Message niyo lang po ako.”
Caption ng post ng aktres.

Maraming netizens ang talagang nais makatanggap ng pre-loved gift ni Kiray, lalo na ang mga ina ng tahanan na walang pambili ng sapatos.
May isang netizen ang nakatanggap ng mensahe mula kay Kiray na nagpasalamat at excited nang matanggap ang munting regalo.
“Yey thank you po size 5 here, di na nakakabili new shoes kasi inuuna ‘yung needs ng twins ko”
Saad ng netizen.

May mga working mom rin na nagpadala ng mensahe kay Kiray at nais makatanggap ng pares ng sapatos.
“Mom of three na hindi nakakabili ng para sa sarili. Sana mapili niyo po ako.”
“Bagay po iyan sa pang-work ko. Sana piliin niyo ako dahil kahit may work ako, inuuna ko po bilhan ang mga anak ko.”