74 Anyos Na Babae, Hanap-Buhay Ang Pagsisid Para Makakuha Ng Barya Upang May Makain Ang Kanyang Pamilya

Pagdating sa ating pamilya, handa nating gawin ang lahat ng paraan ng paghahanap-buhay upang may makain at mabuhay lamang sila. Ngunit, paano nga ba natin ito magagawa kung may edad na tayo at hindi na kaya ng ating katawan ang kumilos upang maghanap-buhay?

Screenshot: GMA Public Affairs Youtube Channel




Ang katandaan ay hindi naging hadlang sa isang 74 taong gulang na babae upang maghanap-buhay at may maipakain sa kanyang pamilya. Ang bawat sentimo ay napakahalaga sa kanya dahil gaano man kahirap ang kanyang ginagawa ay handa siyang gawin ang lahat upang makakuha lamang ng barya. Sa edad niyang 74, ay dapat siya ay nagpapahinga na sa kanilang bahay upang hindi mapagod at alagaan na lamang ang kalusugan.

Screenshot: GMA Public Affairs Youtube Channel

Ngunit para kay Lola Maria, importante sa kanya ang kalagayan ng kanilang pamilya. Kaya naman kahit napakahirap ng kanyang ginagawang hanap-buhay na kung saan ay sumisisid siya sa malalim na dagat upang makakuha ng barya na tinatapon ng mga turista sa pantalan ng Dalachian Ferry Terminal sa Lucena, Quezon.

Screenshot: GMA Public Affairs Youtube Channel




Nakasanayan na ng mga turistang bumibisita sa Lucena ang magtapon ng barya sa dagat upang makakita ng mga taong sumisisid upang kunin ang baryang tinapon. Kaya naman sa kabila ng edad ni Lola Maria, ay hindi niya alintana ang katandaan dahil madaling-araw pa lang ay nakahanda na siyang lumusong sa karagatan at sumagwan sakay ng kanyang maliit na bangka upang magtungo sa pantalan.

Screenshot: GMA Public Affairs Youtube Channel

Ang napakasipag at nagsusumikap sa buhay na si Lola Maria ay kumikita ng P100 hangang P200 kada araw, depende sa dami ng kanyang naipong barya na nakuha sa pagsisid na mula sa mga itinapong barya ng mga turista. Maraming kasabayang maninisid si Lola Maria sa napakahirap na gawain na ito. At siya ang pinakamatanda sa mga ito.

Alam ni Lola Maria na mahirap at delikado ng kanyang ginagawa ngunit mas iniisip niya na umaasa lamang ang kanyang pamilya sa mga baryang kinikita niya sa pagsisid sa dagat. Bagamat nakakalangoy si Lola Maria, ay nahihirapan naman siya sa pagsisid dahil sa kanyang nanlalabong paningin. Maging ang kanyang maliit na bangka ay kanyang ring suliranin dahil ito ay maraming butas at kung minsan pa nga ay nasisira.

Screenshot: GMA Public Affairs Youtube Channel




Noong mga nakaraan ay nakakasama pa niya ang kanyang asawa sa pagsisid, ngunit ngayon ay mag-isa na lamang siyang sumisisid. Kapag may pagkakataon na hindi siya makasisid, ang kanyang asawa naman ay nanlilimos ng pera sa lansangan nang sa gayon ay mayroon parin silang perang pambili ng pagkain.

Maging ang iba niyang apo ay tinutulungan rin siya sa napakahirap at delikadong trabahong ito tuwing Sabado at Linggo lamang. Dahil sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes ay abala ang mga ito sa pagpasok sa paaralan.

Kahanga-hanga si Lola Maria sa kanyang pagiging masipag at matiyaga sa trabaho gaano man ito kahirap para lamang may makain ang kanyang pamilya.

Naitampok na rin si Lola Maria sa programang “Front Row”, isang GMA documentary program at pinamagatan itong “Mga Barya Ni Lola”.




Marami ang nahabag sa kalagayang ito ng matanda. Kaya naman may mga mabubuti ring kalooban ang nagpaabot ng kanilang donasyon at nagbigay ng tulong sa abot ng kanilang makakaya.