“1950s Theater-Themed” Ganyan Ipinagdiwang Ni Ylona Garcia Ang Kanyang Ika-18 Kaarawan

Nagdiwang kamakailan lang ng kanyang ika-18 kaarawan ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Ylona Jade Navalle Garcia o mas kilala natin bilang si Ylona Garcia.

Photo Credit: Niceprintphoto Instagram


Marami ang namangha sa kanyang debu na mayroong “1950s theater-theme,” na ginanap nitong nakaraang Biyernes, Pebrero 28, sa Palazzo Verde, Las Piñas City.

Photo Credit: Niceprintphoto Instagram

Sa mga larawan na kuha mula sa kanyang engrandeng birthday celebration, mistulang isang Victorian-era princess si Ylona sa kanyang custom white ball gown na gawa ng kilalang lokal na designer na si Patricia Santos at sa tulong na rin ng celebrity fashion stylist na si Myrrh Lao.

Lumipad naman patungong Pilipinas ang kanyang magulang na sina Caridad Navalle-Garcia at Peter Garcia, na kapwa naka-base sa Australia dahil sa kanilang trabaho.

Photo Credit: Niceprintphoto Instagram


Bukod sa kanyang pamilya, nakisama rin sa birthday celebration ang kanyang mga kaibigan at ilang showbiz personalities kagaya ni Robi Domingo na nagsilbing host ng kanyang party at isa sa kanyang 18 Roses. Nandoon din ang kilalang celebrity dermatologist na si Hayden Kho, Star Magic talents na sina Kira Balinger at Raine Salamante, maging ang aktres na si Dionne Monsanto.

Photo Credit: Niceprintphoto Instagram

Makikita rin na dumalo sa kanyang kaarawan sina Hashtag member Jimboy Martin, ang batang aktor na si Nhikzy Calma, at gayundin si Alex Diaz na bahagi rin ng kanyang 18 Roses. Kung ikukumpara naman sa mga tradisyonal na “18 Roses” dance, para sa parteng ito ay si Ylona mismo ang kumanta ng lahat ng mga medley classic love songs gaya ng kanta ni Sam Cooke’s na “Bring It On Home To Me” at “Once Upon A Dream” ni Lana Del Rey.

Photo Credit: Niceprintphoto Instagram


Bigay todo rin ang performance niya sa ikalawang bahagi ng naturang programa kung saan inalis pa niya ang detachable skirt ng kanyang gown para mas makasabay sa sayawan at masasayang tugtugan.

Photo Credit: Niceprintphoto Instagram

Ilan pa nga sa mga kantang piner-form niya sa kanyang concert party ay ang orihinal niyang kantang “Win The Fight” na isinulat niya kasama si Jimboy Martin, kasama rin ito sa kanyang debut album na “My Name Is Ylona Garcia.” Maging ang ilan pang mga kanta mula sa kanyang 2019 singles, gaya ng “Pretty Please” at “Lie So Well.”

Photo Credit: Niceprintphoto Instagram

Si Ylona Garcia ay nagsimula sa Pinoy Big Brother 737 edition kunsaan itinanghal siya bilang 2nd Teen Big Placer noong 2015. Dahil sa kanyang likas na galing sa pagkanta, binigyan siya sa programa ng bansag na “Daldal Darling ng Australia.”