Vlogger Na Si Ivana Alawi, May Payo Sa Mga Fans Niyang Lalaki: ‘Wag Na Kayo Mag-save Ng Photos Ko’

Isa sa binabansagang ‘Pantasya ng bayan’ ngayon ay ang Filipina-Morocan actress, model at social media personality na si Ivana Alawi. Karamihan sa kanyang mga taga-suporta at taga-hanga ay mga kalalakihan.




Si Mariam Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi ay sumikat sa Instagram dahil sa pagpopost niya ng kanyang mga larawan kasama na dito ang mga litratong nakasuot siya ng bikini.

Photo Credit: Ivana Alawi Instagram

Dahil sa kagandahan ng mukha at hubog ng katawan niya, marami ang kanyang naging follower sa Instagram na sa kasalukuyan ay umabot na nga sa mahigit dalawang milyon.

Photo Credit: Ivana Alawi Instagram

Sa kabilang banda, mas lalong naging tanyag ang kanyang pangalan ng siya ay nagsimulang gumawa ng mga Vlog sa kanyang youtube channel. Ang ilan sa kanyang mga ginawang video ay umaani ng milyong views at ang kanyang mga subscriber sa youtube ay pumalo na sa higit sa tatlong milyon.




Noon pa man ay talagang pinangarap ni ivana na maging sexy star kaya’ labis siyang nagalak noong nagkaroon ng pagkakataong makapasok sa showbiz. Gumanap siya bilang si Lolita sa kapamilya teleseryea na ‘Sino ang May Sala?’ kasama sila Jodi Santamaria and Bella Padilla.

At nitong ika-7 lamang ng Pebrero ay pumirma na ang sikat na vlogger ng eksklusibong kontrata sa Kapamilya network na ABS-CBN. Marami ang nag-aabang sa kanyang pangunahing pag-ganap sa bagong seryeng pinamagatang ‘ligaya.’

Photo Credit: Ivana Alawi Instagram

Sa isang panayam ay diretsong inilahad niya na nais naman niya na ipakita ang galing niya sa pag-arte.




Photo Credit: Ivana Alawi Instagram

“I want to show also my acting side. There’s more than ‘yong sexiness, image, ‘yong pagpapakita ko ng skin, ‘yong pagiging hubadera ko”

Ang pahayag ni ivana.

Samantala, marahil dahil sa madalas na pag-pose niya ng sexy sa mga kanyang mga social media account, halos karamihan sa kanyang mga naging tagasubaybay ay mga kalalakihan. May mga ilan sa kanila ang nagpopost ng mga komento sa mga larawan o video ni ivana upang sabihin kung gaano nila hinahangaan at kinagigiliwan ang aktres.

Photo Credit: Ivana Alawi Instagram

Hindi naman maiwasan na may ilang mga kababaihan ang nagagalit sa kanya dahil sa pagkahumaling ng ibang mga kalalakihan sa kanya. May mga pagkakataon di umano na nakakatanggap si ivana ng mga mensahe mula sa mga babae at sinasabi sa kanya na siya ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kanilang mga nobyo.




Kalimitan kasi ay pinagsisimulan ng away ng mga magkasintahan ang pagse-save ng mga lalaki ng larawan ni ivana sa kanilang cellphone. Samantala, may simple namang kahilingan at payo si Ivana sa mga humahanga sa kanya lalo na sa mga kalalakihang kasalukuyan nasa isang relasyon.

“Sabi ko guys ‘wag na kayo mag-save ng photos ko para hindi kayo mag-break”

Wika pa ni ivana.

Photo Credit: Ivana Alawi Instagram




Inaasahang mapapanood ang bagong pagbibidahang teleserye ni Ivana sa ABS-CBN sa darating na April 2020. At panigurong marami na ang nag-aabang sa karakter na kanyang gagampanan