Likas sa mga tao ang manghusga ng kapwa base lamang sa panlabas na kaanyuan. Ngunit, hindi natin alam na ang ating hinuhusgahan ay isa pa lang napakabuting tao.

Kagaya na lamang ng mga pulubi at mangangalakal na ating minamaliit dahil sa kanilang ginagawang trabaho na makikitang napakadumi ng kanilang kasuotan. Ngunit ang kanila pa lang ginagawang hanapbuhay at pagsusumikap ay para sa kanilang pamilya.
Ito ang hindi inaasahang sitwasyong nagdala sa isang pulubi sa Pawnshop kung saan siya ay hinusgahan dahil sa kanyang maduming kausotan. Ngunit, sino nga ba ang mag-aakalang ang taong ito ay nandon hindi para manlimos kundi para magpadala ng pera para sa kanyang mga anak?
Maraming mata ang nanghusga sa matanda pero hindi siya nagpatinag sa mga ito na ang akalay manghihingi siya ng pera bagkus nanatili siya sa isang sulok ng naturang lugar. Bagamat maraming bakanteng upuan ay nanatili paring nakatayo ang matanda. Dito na napagtanto ng ibang taong nasa lugar na isa rin itong customer kagaya nila.
Sa huli, nalaan na ang matanda pala ay siyang naghahanap buhay para sa kanyang pamilya at naroon sa oras na iyon upang padalhan ang kanyang mga anak ng pera.
Ang larawang ito ng matanda na nagtrending ay mula sa facebook account ni Del Heartman RCim kung saan kanyang pinost at nilakipan ng nakakaantig na caption tungkol sa kahanga-hangang matanda.
“TRENDING: “I thought he was a beggar but I was wrong.”
This man is standing in a certain money sending establishment in the Philippines and was initially thought a beggar by others because of his appearance.
To their surprise, the old guy with appaling clothes was waiting for his turn to get his receipt from the counter.
Apparently, he just sent money to his children. This is what we call a “father’s love”. ❤”
Sa bandang huli ang mga taong mapanghusga ay nahiya sa kanilang ginawang panghuhusga sa matanda ng malaman na ito palay isang ama na magpapadala ng pera sa kanyang anak. Kahanga-hanga ka po Tay, isang tunay na pagmamahal sa pamilya na talagang gagawin ang lahat mabigay lamang ang pangangailangan ng mahal sa buhay.