“This is the time”: Alden Richards, Handa Nang Magkaroon Ng Nobya

Naaalala niyo pa ba ang nagtrending na love team noong 2015 na “AlDub”? Siguro isa ka rin sa mga napangiti at napakilig ng nakakaaliw na love team na ito.

Photo Credit: Google Image

Ang love team na ito ay binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub na nakilala sa programa ng Eat Bulaga sa episode nila na “Kalyeserye” sa Juan for All, All for Juan na segment ng programa.




Marami ang kinilig sa ipinakitang chemistry ng dalawa na tila magkasintahan talaga sa kanilang kasweetan on screen.

Photo Credit: Google Image

Bagamat hindi inaasahan ang kanilang pagiging magkalove team sa programa, milyon-milyong Pinoy sa ating bansa at maging sa ibang bansa ang talagang sinuportahan sila at ipinakita ang pagmamahal sa “AlDub”.

Dahil naging patok ang kanilang tambalan at nagkaroon rin sila ng pelikula na talagang inabangan ng marami, ito ay ang “Imagine You And Me”.

Photo Credit: Google Image

Ngunit sa pagdaan ng panahon nang matapos ang Kalyeserye sa Eat Bulaga, nawala narin ang kanilang tambalan dahil nagkanya-kanya na sila ng landas na tinahak industriya ng showbiz. Sa kabila nito, nananatili parin silang mga host ng Eat Bulaga ngunit hindi na sila kagaya ng dati na pinagtatambal na “AlDub”.




Si Main Mendoza ay nahanap na ang kanyang pag-ibig sa katauhan ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde, samantalang si Alden Richards naman ay ipinagpatuloy at nagpokus na lamang sa kanyang karera ng pag-arte.

Photo Credit: Alden Richards Instagram

Dahil sa galing ni Alden sa pag-arte ay bumuhos ang mga biyayang dumating sa kanya. Noong nakaraang taon lamang ng maging parte siya ng box office hit movie na “Hello Love, Goodbye” kung saan naging kapareha niya ang aktres na si Kathryn Bernardo. Sa kasalukuyan naman ay mayroon siyang teleseryeng mapapanood gabi gabi sa GMA, ang “The Gift”.

Photo Credit: Alden Richards Instagram

Talagang maraming biyaya na nga ang natanggap ni Alden ngunit tila may kulang sa buhay niya na magbibigay sa kanya ng kompletong kaligayahan, ito ang pagkakaroon ng nobya. Kaya sa panibagong taong ito ang kanyang pagtutuunan ng pansin naman ay ang kanyang buhay pag-ibig.




Sa naganap na panayam sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras ng GMA Network, inamin ng aktor na matapos niyang pagtuunang pansin ang kanyang karera, panahon naman upang hanapin ang kanyang kapareha sa buhay na magbibigay ng saya sa kanya kaya naman sisimulan na niyang pagtuunan ng pansin sa kanyang love life.

Photo Credit: Alden Richards Instagram

“Siguro to find a partner sooner, soon, ganiyan… Prospect naman, siyempre hahanap pa lang, January pa lang eh. Ngayon, ito na ang time. This is the time”

Ayon sa aktor.

Photo Credit: Alden Richards Instagram

Kasabay naman ng kanyang paghahanap sa taong magbibigay sa kanya ng pagmamahal, patuloy paring bumubuhos ang biyaya sa aktor. Bukod sa pagiging host ng “All-Out Sundays,” magiging host din si Alden sa isang singing competition para sa mga bata na pinamagatang “Centerstage.”




Tamang-tama umano ang mga parating na proyekto dahil malapit naman ng matapos ang kanyang teleseryeng pinagbibidahan na The Gift kung saan ay inaabangan ng marami dahil sa magandang kwento nito.