Tadhana Na Ba Ito? Batang Babae At Batang Lalaking Nagkrus Ang Landas Noon, Mag-asawa Na Ngayon

Sa mundong ating ginagalawan, ibat-ibang klase ng tao ang ating nakakasalamuha at nakakahalubilo. Ngunit sa dami ng tao sa mundong ito, may isang natatanging tao ang nakatakdang maging parte ng buhay natin.

Photo Credit: Google Image




Maaaring ang taong nakatadhana sa atin ay nakasalubong natin sa daan, nakasabay natin sa jeep o kaya naman ay nakasama natin sa isang lugar. Maaari ring ang dalawang taong nakatadhana para sa isat-isa ay mabigyan ng pagkakataong magkitang muli upang magkatuluyan sa buhay.

Photo Credit: Google Image

May ilan na hindi naniniwala sa tadhana, sapagkat ang kanilang karanasan ay nagsasaad na pinagtagpo sila ng taong sa tingin nila ay siya na ngunit di pa pala dahil hindi sila ang nakatadhana para sa isat-isa, ito ang pinagtagpo ngunit di tinadhana. Pero ang paniniwalang ito ng ilan ay hindi nagpatinag sa dalawang taong nagkrus lamang ang landas noon ngunit ngayon ay pinatunayan ang pagmamahal sa isat-isa dahil sila ngayon ay mag-asawa na, tadhana na nga ba ito?

Ang kwento ng pag-iibigan nina Rex Byron Roxas at Mela Rizo Zapata ay kinakiligan ng mga netizens nang ibahagi ni Alfred Rach sa isang facebook page na Memories of Old Manila.




Ayon sa facebook post, 30 taon na umano ang lumipas nang magkrus ang landas ng dalawa noong sila ay mga bata pa lamang sa isang lansangan sa Baguio City. Ngunit matapos ang 30 taong paghihiwalay at hindi pagkikita, muli silang pinagtagpo ng tadhana at ngayon nga ay ganap na silang mag-asawa.

Photo Credit: Memories of Old Manila Facebook Page

“30 years ago this boy casually walked up to this little girl somewhere in Baguio, and kissed her on the forehead and then ran away. They never met again until a couple of years ago. They had absolutely no way of knowing that 3 decades after they would wind up as husband and wife. Amazing. Coincidence? Fate? Destiny? That’s the magic of love! Mabuhay ang bagong kasal! Rex Byron Atienza Roxas / Mela Rizo Kitten Zapata”

Saad ng caption.

Photo Credit: Memories of Old Manila Facebook Page

Talaga nga namang mapaglaro ang tadhana, hindi natin masabi na ang tao palang nakatagpo natin noon ay maaari pang maging parte ng buhay natin ngayon sa kabila ng mahabang taon ng hindi pagkikita. Tunay nga na kapag tadhana na ang nagdikta, wala ka nang magagawa pa kundi ang sundin ito at iparamdam na lamang ang pagmamahal sa taong nakatadhana sayo.




Ang facebook post na ito ay hindi lang hinangaan ng mga netizens kundi kinakiligan rin dahil sa mala-fairy tale na kwento ng pag-iibigan kaya naman nag-iwan pa ang mga ito ng ibat-ibang komento at reaksyon.

“Twin flame or soul mates mga iyan, kilala na nila ang isa’t isa kasi sila rin dati sa past lives nila, ayon nga sa konsepto ng reincarnation.”

“Lovely!! What a story that I only see in Korean novelas. It makes us believe in fate and love more!”

“It’s called destiny. What a small world… nothing is impossible. They are for each other.”