Silipin: Mga Dating Larawan Ng Mag-Inang Celebrity Na Sina Ruffa Gutierrez At Annabelle Rama

“Mother and daughter from the start, Bestfriends forever from the heart”

Photo Credit: Google Image




Tunay nga na nakakatuwang pagmasdan ang isang mag-ina na malapit na malapit sa isa’t isa. At kahit na may sarili ng pamilya pa ang bawat isa ay hindi pa rin nagbabago ang kanilang relasyon sa bawat isa.

Photo Credit: Google Image

At para sa beauty queen aktres na si Ruffa Gutierrez talagang masasabing sobrang close na close siya sa inang si Annabelle Rama. Sa katunayan isa sila sa mag-inang celebrity na sa kabila ng mga pinagdaanang mga kontrobersiya ay talagang hinahangaan dahil matapang nilang hinaharap ito ng magkasama.

Photo Credit: Google Image

Sa kabilang banda, gaya ng anak na si Ruffa noong kabataan naman ng celebrity mommy na si Annabelle ay isa din itong kilalang artista at maituturing na isa sa mga pinakamagagaling sa larangan ng pag-arte. At masasabing namana ito ng kanyang mga anak na sina Ruffa, at ang kambal na sina Richard at Raymond.




Samantala, kahit na hindi na aktibo sa larangan ng pag-arte ang better half ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez ay hindi pa rin niya tuluyang iniwan ang industriya ng showbiz. Sa kasalukuyan nga ay nagawa na niyang patunayan ang taglay na husay bilang producer at gayundin ang pagiging talent manager sa ilang mga artista.

Photo Credit: Google Image

Ang aktres naman na si Ruffa ay muling nagbabalik teleserye sa telebisyon sa Kapamilya dramaserye na ‘Love Thy Woman’. Kasama ng ‘My Monster Mom’ actress ang mga kilalang artista na sina Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, Christopher de Leon, Kim Chiu, Xian Lim at Yam Concepcion,

Masasabing talagang parehong naabot nina Ruffa at Annabelle ang rurok ng tagumpay hindi lamang sa showbiz maging sa personal nilang pamumuhay.




Ating silipin at pagmasdan ang mga bukod tangi nilang larawan na nagpapakita ng angking mga kagandahan noong panahon ng kanilang kabataan at kahit ngayon na may sarili na silang mga pamilya.