Silipin: Jinkee Pacquiao Masayang Sumakay Sa Bagong Sasakyan Ni Jimuel Na Mahigit Php 8 Milyon Ang Halaga

Bago pa man natin maabot ang hinahangad na tagumpay sa buhay, kailangan muna nating dumaan sa mga pagsubok at matinding paghihirap..

Photo Credit: Jimuel Pacquiao Instagram




Ang paghihirap na ating mararanasan sa pag-abot ng ating mga pangarap ay may katumbas na gantimpala na kung saan ay masaya nating matatamasa ang bunga ng ating pagsisikap. Ngunit, kung sa ngayon ay hindi mo pa naaabot ang tagumpay sa buhay, darating rin ang tamang panahong inilaan sayo upang makamtan ang ninanais na pangarap sa buhay kung patuloy ang iyong pagsusumikap at hindi pagsuko sa pangarap.

Photo Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Isa sa mga kilalang personalidad sa ating bansa si Manny Pacquiao na talagang makikita ang tagumpay at bunga ng kanyang pagsisikap. Bago pa man niya marating ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon ay hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay.

Photo Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Nagmula ang sikat na boksingero sa isang mahirap na pamilya, pero ang kahirapan ng kanilang pamumuhay ang naging sandata niya upang abotin ang kanyang mga pangarap sa buhay. Kaya naman upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, siya nagsumikap at nagpursigi sa larangan ng boxing.




Matapos ang mahabang panahon ng pagtityaga at pagsusumikap sa buhay, ngayon nga ay masaya na niyang tinatamasa ang bunga ng kanyang pagsusumikap. Naging matagumpay si Manny sa larangan ng boxing kung saan nagtamo siya ng mga tropeo at titulo na talagang ipinagmamalaki ng mga Pilipino.

Photo Credit: Jimuel Pacquiao Instagram

At ngayon nga ay may pamilya na si Manny, ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao at limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel na kung saan ay nabigyan niya ng magandang buhay ang mga ito.

Screenshot: Showbiz Broadcast Youtube Channel




Nitong nakaraan nga ay nagbahagi ang kanyang asawa na si Jinkee ng isang post kung saan ipinakita ang bagong sasakyan ng kanyang anak na si Jimuel na may balak rin umanong sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang boksingero.

Screenshot: Showbiz Broadcast Youtube Channel
Screenshot: Showbiz Broadcast Youtube Channel




Mapapanood sa video ang masayang pag-uusap ng mag-ina habang nakasakay sa mamahaling bagong sasakyan ni Jimuel na umano’y regalo ng ama nitong si Manny. Ngunit hindi lang ito basta sasakyan dahil ayon sa isang programa sa ABS-CBN nang ifeature ang Corvette Stingray ay hindi biro ang halaga nito dahil nagkakahalaga umano ito ng Php 8.5 milyon. Pero dahil sa taglay na yaman ng mga Pacquiao, ang halagang ito ay tila barya lamang sa kanila.

Screenshot: Showbiz Broadcast Youtube Channel
Screenshot: Showbiz Broadcast Youtube Channel




Marami ang nagulat sa naturang halaga ng sasakyang regalo ng ama ni Jimuel sa kanya. Kaya naman ang mga netizens ay talagang humanga sa buhay na taglay nila ngayon na bunga ng pagsusumikap ni Manny para sa kanyang pamilya.

“From a person who was born with nothing, I will definitely give all to my family if can and if they are striving to be good all the time.”

 

“jimuel a very humble and loving son, he love his brothers and sisters, also sa mga tauhan sa bahay nila ang bait bait pa kaya deserve na deserve mo yan kuya. Sana all may 8.5 M.”

JIMUEL at Mommy JINKEE Nya Nag-JOY RIDE gamit ang MULTI-MILLION Pesos Sports Car