Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Dating Napakagandang Aktres Na si Cristina Gonzales

Marami sa mga naggagandahan at maaamong mukha sa industriya ng showbiz ang hinangaan ng publiko noong 90’s.




Photo Credit: Google Image

Isa na rito ang napakagandang si Cristina Gonzales na talagang kahanga-hanga dahil bukod sa angking ganda nito ay napakasexy rin nito.

Photo Credit: Google Image

Ang kanyang kagandahan ay mas lalo pang pinalutang ng kanyang mestisang balat at napakakinis na kutis na talagang hinangaan ng mga manonood. Nakilala si Cristina sa industriya nang magsimula siyang gumanap ng mga mahinhing karakter sa mga pelikula.




Ngunit nang nagkaroon na siya ng lakas ng loob ay walang takot naman niyang pinasok ang pagkakaroon ng mga daring roles. Dito pa siya mas lalong nakilala ng madiskubre ang kanyang talento kaya naman naging isa rin siya sa mga calendar girls ng White Castle na isang brand ng inumin.

Photo Credit: Google Image

Si Cristina ay ang panganay na anak ng dating matinee idol na si Josi Mari Gonzales. Ang kanyang ina naman na pinagmanahan niya ng taglay na kagandahan ay si Charito Malarky.

Nang magsimula si Cristina tumanggap ng mga mapangahas na role sa kanyang karera ay mas lalong dumami ang kanyang mga proyekto. Ang tatlo sa huli niyang mga pelikulang ginawa ay Bagamundo noong taong 1996, Matinik Na Kalaban noong 1995, at Grepor Butch Belgica Story noong 1995.

Photo Credit: Cristina Gonzales Instagram

Noong taong 1993 naman, nasangkot siya sa isang kontrobersya matapos niyang maging bahagi sa sinasabi umanong prostitution ng mga kababaihang artistang Pinoy na tinatawag na Brunei Beauties.




Nang magpakasal siya kay Alfred Romualdez ay tuluyan na niyang iniwan ang industriya ng showbiz. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang magagandang anak na babae. Ang kanyang asawa namang si Alfred ay pamangkin ni Imelda Marcos, kaya naman walang duda na pinasok narin nito ang politika. Maging ang dating aktres na si Cristina ay pinasok rin ang politika, nang siya ay tumakbo at manalo bilang councilor ng Tacloban noong 2007. Nagbigay siya ng serbisyo sa Tacloban simula taong 2007 hanggang taong 2016. Taong 2016 hanggang 2019 naman ng maging Mayor siya.

Photo Credit: Cristina Gonzales Instagram

Nang maganap ang pagsalanta ng typhoon Yolanda, isa ang pamilya ng aktres sa mga naapektohan kung saan nagkaroon pa ng trauma ang kanyang anak na si Sofia. Upang maibsan ang trauma ng kanyang anak ay pinasok nito ang pag-awit na masaya naman niyang sinupurtahan.

Photo Credit: Cristina Gonzales Instagram

Sa ngayon ay nasa edad na 50 na ang dating aktres ngunit hindi maitatanggi na nananatili pa rin ang taglay na kagandahan nito. Talagang inalagaan ng dating aktres ang kanyang figure dahil fit na fit parin ito sa tulong na rin ng kanyang pag-eehersisyo. Maliban sa fit niyang katawan ay alagang-alaga rin niya ang kanyang mukha. Talagang napakaganda pa rin ng dating aktres sa kabila ng edad nito.