Marami sa ating mga kababaihan ang nagnanais na makapaglakad sa red aisle patungo sa altar habang suot ang napakagandang gown na nagniningning sa araw ng kasal, at maging maganda sa harap ng ating pinakamamahal at napiling tao upang makasama habang buhay.

Ngunit, hindi lahat ay pinapalad na mangyari ang ninanais nila sa kanilang espesyal na araw. Kagaya na lamang ng sikat na singer na si Sarah Geronimo na hindi naging madali ang pinagdaanan, maging sa pagsuot ng kasuotang nais ay nahirapan rin siya dahil sa kinakaharap na suliranin.

Kamakailan nga ay naging matunog ang pangalan ni Sarah Geronimo sa publiko at naging laman ng mga balita dahil sa kanyang kontrobersyal na kasal kay Matteo Guidicelli.
Ayon sa isang scoop ni Ricky Lo na lumabas, araw ng February 20, ang Popstar Princess na si Sarah ay ikakasal umano nang araw na iyon. Ngunit, sa pagsubaybay kay Sarah sa taping niya sa The Voice ay tila walang kakaibang kaganapan patungkol sa kanyang kasal ng mga oras na iyon dahil nakasuot lamang ng simpleng t-shirt at slacks ang singer.

Nanatili ang mga mata ng publiko kay Sarah para sa mga susunod na kaganapan ng araw na iyon. Na naghahanap ng senyales ng paghahanda ni Sarah para sa kasal ngunit ang lahat ay nabigo dahil wala man lang makitang sensyales ng pagmamadali ni Sarah patungo kung saan gaganapin ang kasal. Maging ang mga katrabaho ni Sarah ay nagpost pa ng kanyang mga larawan na nagpapakitang napakasipag nito sa trabaho at mukhang hindi ito ikakasal sa araw na iyon.
Ngunit, ang lahat pala ng ito ay bahagi lamang ng kanilang plano upang hindi mabunyag ang kanilang sekretong kasalan sa araw na iyon. At upang makasigurado silang hindi umano malalaman ng ina ni Sarah na si Mommy Divine ang kanilang plano. Sinigurado sa column ni Ricky na si Sarah ay dapat maging maingat dahil lahat umano ng mata ay nakatutok rito upang saksihan kung talaga nga bang ikakasal ang singer sa araw na iyon.

Ayon naman kay Letty Fuentes, natuloy umano ang kasalang Sarah at Matteo nang araw na iyon. Ang pinakamasayang araw ng dalawang bagong kasal ay nasira umano ng biglang dumating sa venue si Mommy Divine. Ito na sana ang pinakamasaya at hindi makakalimutang bahagi ng kanilang buhay ngunit ito’y sinira ng isang makasariling ina.

Samantala pagkatapos ng kasal, may ilang litrato na pinost sa social media, maging mula mismo kay Matteo, na nagpapakita ng mga larawan ni Sarah na sout parin ang damit na kanyang sinuot sa taping ng The Voice. Maraming netizens ang humanga kay Sarah sa ginawa niyang effort maikasal lamang sa taong mahal niya. Na maging ang damit na bongga dapat sa araw ng kasal ay nanatiling simple sa kabila ng pagiging sa pinakamayaman na personalidad ni Sarah sa bansa. Kahanga-hanga si Sarah dahil kontento ng suot ang tshirt at slacks galing sa trabaho, samantalang ang ibang babae ay mas nais ang magarbong gown sa araw ng kasal.
Ngunit paano nga ba niya nagawang makapunta sa lugar kung saan gaganapin ang kasal at kung paano siyang nakapagpalit ng kasuotan?

Napag-alaman na nagpalit pala ng magandang damit si Sarah na naaayon para sa kanyang kasal. Kahit na magkaparehong damit ang suot ni Sarah sa taping at reception ng kasal, marami ang nagkumpirma na nagpalit umano ito ng kasuotan para sa espesyal na araw na iyon. Kagaya na lamang ng kanilang tagapayo na si Letty Fuentes na pinatunayan ang naging kaganapan sa kasal at kanya ring itinama sa isang panayam ang mga maling balitang inilabas ng media.
Maging ang reporter at malapit nilang kaibigan na si Dyan Castillejo ay nagbahagi rin ng mga larawan na kuha ng mga kaganapan sa venue noong araw ng kanilang kasal.

May isang fan page naman ang nagbahagi na talagang gumawa ng effort si Sarah upang makarating ng maaga sa venue ng kasal ng araw na iyon upang makapagpalit ng isang magandang puting damit na may makikinang pang disenyo na naaayon para sa kanyang kasal.
Ngunit, matapos umano ang kasalan ay isinuot muli ng singer na kanyang suot sa taping ng The Voice upang hindi maghinala ang kanyang body guard at mga netizens na may naganap na isang mahalagang okasyon ng araw na iyon sa simbahan. Talagang naglaan si Sarah ng oras at effort upang matuloy lamang ang kasal. Ngunit, nakakalungkot paring isipin na hindi naging maganda ang kinahantungan ng kanilang sekretong kasal dahil nasira ito ng isang makasariling ina.