“Santino”, Zaijian Jaranilla, Binata Na At May Nobya Na Raw Ito

Sino nga ba ang hindi makakaalala kay Santino? Si Santino ang batang gumanap sa teleseryeng “May Bukas Pa” noong 2009.




Photo Credit: Zaijian Jaranilla Instagram

Siya lang naman ang nagpaantig at nagpalambot ng ating mga puso upang matutong magpatawad at magdasal. Siya rin ang palaging kumakausap kay “Bro” at nagbibigay ng kagalingan sa mga may sakit. Ang batang ito na ating kinagiliwan sa telebisyon na si Santino ay si Zaijan Jaranilla sa totoong buhay.

Photo Credit: Google Image

Ngayon nga ay malaki at binata na ang batang gumanap na Santino. Sa kanyang panayam sa TWBA, nagbahagi siya ng ilang detalye sa kanyang buhay ngayon bilang isang ganap na binata.




Photo Credit: Zaijian Jaranilla Instagram

Sa naging highlights ng kanyang panayam, inamin ni Zaijan na mayroon raw siyang nobya sa kasalukuyan. Ibinahagi rin niya na hindi pa siya nakakaranas umano ng mga rejections mula sa mga babae.

Nang mapag-usapan naman ang kanyang mga larawan sa Instagram kung saan makikita ang kanyang abs, sinabi ni Zaijan na bagamat hindi siya palaging nagtutungo sa gym upang mag-work out ay napapanatili parin niyang fit ang kanyang katawan dahil sa paggamit ng dumb bells sa bahay.

Photo Credit: Zaijian Jaranilla Instagram

Dahil marami ang humanga sa batang Santino, marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon.




Narito ang ilan:

“Kapag nakikita ko itong batang ito na binata na ngayon mas nare–realize kong ang tanda ko na talaga.”

“Binata na talaga si Santino, ang bilis ng panahon, ang tanda ko na talaga hahaha… kapag nakikita ko siya, naaalala ko ang batang nagdadasal kay ‘Bro’. Sana dumami pa ang mga proyekto niya dahil mahusay naman siyang artista. Sana rin hindi siya matulad sa ibang child star na nalihis ng landas.”

Photo Credit: Zaijian Jaranilla Instagram

Pag–asam naman ng isa.

“Ang cute ni Zaijan! More projects for him please! Please ‘Bro’!”

Matatandaan na bumida si Zaijan sa Iwant series na “Story Of My Life” bilang Rex. Huli naman natin siyang napanood sa telebisyon sa fantaseryeng Bagani noong 2018.

Photo Credit: Zaijian Jaranilla Instagram
Photo Credit: Zaijian Jaranilla Instagram

At ngayon nga ay maraming nakaabang sa kanyang pagbabalik sa industriya ng showbiz. Kahanga-hanga at napakacute na bata noon ay ganap ng binata ngayon kung saan marunong ng umibig sa kanyang nobya ngayon.