Isa sa mga ginagawang paghahanda bago ganapin ang kasal ay ang pre-nuptial pictorial na kung saan ay talagang ginagastusan upang maging maganda ang kuha ng mga larawan.

Maging sa mga artista, ay patok na patok rin ang pagkakaroon ng magarbong pre-nuptial pictorial bago ang kasal. Karamihan sa kanila ay bongga ang mga pre-nuptial pictorial sa pagsusuot ng mga magagandang kasuotan at ang ilan ay sa ibang lugar o sa labas ng bansa pa ginagawa para sa magandang kalalabasan ng mga larawan.

Ngunit ang aktor na si JC de Vera at kanyang fiancee na si Rikkah Cruz ay naging maganda at kabog na kabog talaga ang kinalabasan ng kanilang pre-nuptial picture kahit hindi sila lumabas ng bansa dahil ginawa ito sa tulay ng Manila, na talagang ipinakita ang kagandahan ng lungsod. Naging trending ang kanilang simple ngunit napaka-classy na pictorial sa Jones Bridge na kumakatawan sa kasaysayan ng lungsod ng Maynila. Sa tulay na ito mababakas ang kanilang wagas na pagmamahalan sa kuha ng bawat litrato.

Sa Instagram ng Kapamilya actor na si JC, kanyang ibinahagi ang ilang larawan na kuha sa makasaysayang tulay ng Maynila. Bagay na bagay ang kanilang kasuotan sa bagong ayos ng Jones Bridge na talagang napakaklasikong tingnan. Si JC ay nakasuot ng suit, samantalang naka-lace gown naman ang kanyang fiancee. Ang kanilang mga kahanga-hangang kasuotan ay gawa ng mga fashion designer na sina Edwin Tan at Francis Libiran.

Ang bagong ayos na Jones Bridge ay naging saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan, na talagang hindi maikakaila na talagang bumagay ang kanilang kasuotan sa klasikong ganda ng tulay at umayon ito sa temang ninanais nila. Ang Nice Print Photography na siyang namahala sa kanilang prenup pictorial ay labis na namangha sa kinalabasan ng magagandang kuha ng mga larawan sa makasaysayang tulay kaya naman tinawag pa nila itong “beautiful session at the heart of old Manila”.

Dahil talaga ngang maganda at napaka-class ng kinalabasan ng kuha ng mga larawan sa kanilang prenup pictorial ay marami ang nabighani at humanga dito kaya naman agad itong nagtrending sa social media. Nakakuha na ito ng mahigit 122,000 likes sa kanyang Instagram account. Marami ring mga artista ang nagpaabot ng kanilang paghanga sa nasabing photoshoot kabilang na ang mga aktres na sina Jasmine Curtis at Nadia Montenegro.

Ang relasyon nina JC at Rikkah ay naging pribado sa mahabang panahon, ngunit noong taong 2018 ay inilahad ni JC na nagkaroon umano siya ng proposal sa kanyang magandang fiancee sa Siargao. Nang taong ding yun, masaya niya ring inilahad na magiging ama na siya sa magiging panganay na anak nila ni Rikkah.

Sinabi rin ni JC sa naging panayam sa kanya sa TWBA, na ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib ay nakatakdang maganap ngayong taon buwan ng Disyembre sa isang traditional church wedding.
Sa kasalukuyan ay mapapanood natin si JC bilang cast sa Banana Sundae at sa teleseryeng Pamilya Ko. Kamakailan lamang ay pumirma na rin siya ng bagong kontrata sa Kapamilya Network na ABS-CBN.