Sino nga ba ang hindi naghahangad na magkaroon ng oras para sa pamilya? Ngunit kasabay nito ay nagagawa pa ring magkaroon ng trabaho.

Hindi ganun kadali pagsabayin ang ganitong bagay dahil kinakailangang kumayod ng isang ama o ina upang matugunan ang mga gastosin at pangangailangan sa tahanan. Hindi rin biro ang pagkakaroon ng trabaho sa dami ng mga ginagawang responsibilidad at tungkulin bilang empleyado sa isang kompanya. Kaya naman minsan, nawawalan na ng oras sa pamilya dahil sa pagiging busy at workaholic sa trabaho.
Ngunit, ang sitwasyong ito na kinakaharap ng bawat tahanang may empleyadong ama at ina ay pinagaan ng isang Pinay CEO. May isang facebook post na talaga namang maraming nakarelate at naging isang inspirasyon para sa mga empleyadong walang oras sa kanilang pamilya.

Ang trending post na ito ay mula kay “Charity Delmo” sa isang Pinay CEO sa kompanyang nakabase sa Sydney Australia kung saan nagbigay siya ng isang paalala para sa mga empleyado na gawing prayoridad ang kanilang pamilya kaysa sa trabaho, sapagkat ang trabaho ay makakapag-antay anumang oras.
“I hired you in the hope that you can be a good provider to your family, not to take you away from them, to give you additional skills not take your parental skills away from your kids, to make you a better person not just for the company but all the more for your family”
Aniya.

“So when the time comes that you will have to choose between attending your sons and daughters’ school activities over a client’s needs, if you have to choose between your wife or your husband’s needs over mine as your boss, —please choose them”
Dagdag pa niya.
Ayon sa kanya, mas mainam umano na magkaroon ng magandang relasyon ang bawat miyembro ng tahanan sa pagkakaroon ng maayos na ugnayan kaya naman habang hindi pa daw huli ang lahat ay ayosin na ang ugnayan at relasyon sa bawat isa.

“You see, not all employers will understand some of my principles in leadership but I would rather close this company than seeing you miss your kids school activities because you have to be in meeting, or seeing you getting broken because of your unfixed misunderstanding with your husband or wife”
Aniya.
Naniniwala rin ang Pinay Ceo na ang pagkakaroon ng inuuwiang masayang pamilya ay nagdudulot ng pagiging positibo at produktibo ng isang empleyado sa tuwing papasok ito sa kanyang trabaho.

“They are your home first before the company gave you a second home, they’re your family before you became mine. I have always believed that a person who’s happy at home is also happy at work.”
Pahayag pa niya.
Sa huli, nag-iwan pa ng isang paalala ang CEO, na handa siyang mag-antay sa kanyang mga empleyado ngunit kapag ang pamilya na iyong binuo ay nasira hindi na ito maaaring maibalik pa sa dati.

“So, Go home. Be home. Your work can wait. I can wait. Your family, the home that you built, once broken, will never be the same again. You will never be the same again. Love, Boss.”
Saad niya sa huli.
Kahanga-hangang CEO, na mas iniisip ang kapakanan ng kanyang mga empleyadong magkaroon ng oras para sa pamilya kaysa sa kompanya niya. Nakaka-inspire na mensahe na talagang kapupulutan natin ng aral.