Ogie Diaz Ipinagmalaki Na Kinuha Siyang Talent Manager Ng Kilalang Brodkaster Na Si Raffy Tulfo

Maraming mga kilalang personalidad ngayon ang malamang na hindi naabot ang tagumpay ng kanilang mga career kung wala ang tulong ng mga personal nilang talent manager.

Photo Credit: Google Image




At isa rin namang malaking pribileheyo na maituturing para sa isang talent manager na makitang magtagumpay sa propesyon ang inaalagaan niyang artista.

Photo Credit: Ogie Diaz Facebook

Samantala, kakaibang kasayahan naman ang nadarama ngayon ng kilalang artista at talent manager na si Ogie Diaz matapos siyang kunin bilang talent manager at handler ng kilalang new broadcaster na si Raffy Tulfo.

Sa kanyang facebook account ay ibinahagi niya ang pagiging talent manager niya sa broadcaster na si Raffy.

Photo Credit: Ogie Diaz Facebook




“Simula sa araw na ito, Feb 17, 2020…
Ako na po ang MANAGER/HANDLER ni Idol Ng Bayan Sir Raffy Tulfo for endorsements and other promo campaigns na need ang serbisyo ni Idol.

Salamat po sa tiwala, Sir Raffy! At sa nagrekomenda, Ate Cristy Fermin. And i feel the preysure right now. ????❤️❤️

PS…. yung Raffy Tulfo In Action po ay sa kanyang magigiting na staff po, hindi po sa akin. Sa mga may reklamo at gustong humingi ng tulong sa kanyang programa, diretso na lamang po kayo sa tv5 po at may pila naman po doon. Salamat po. ???

Kaya yung mga may utang sa akin, bayaran nyo na ako. Or else…”

Sabi pa ng komeyanteng aktor.

Photo Credit: Google Image

Sa kabilang banda, hindi naman maitago ni Ogie ang kasiyahan sa pagkuha sa kanya bilang talent manager ng batikang mamahayag. At sa isang panayam sa kanya ay inilahad niya na naging daan upang kunin siya bilang talent manager ni Idol Raffy matapos siyang irekomenda ng kilalang talk show host at showbiz reporter na si Cristy Fermin.




Sa ngayon ay kilalang-kilala ang Kapatid broadcaster dahil sa matapang niyang pag-aksyon sa bawat sumbong na sa kanya ay idinudulog ng ating mga kababayan. At talagang hinangaan ang Idol Ng Bayan ng programang ‘Raffy Tulfo In Action’ ang mabilis na pagkalutas ng mga problema.

Photo Credit: Google Image

Ilang mga netizen ang nagpaabot ng pagbati sa magaling na talent manager.

“Jessa Mae Pandan -Congrats po sir Ogie Diaz you deserve all off that.?? kay kayo mag utang ky sir bayad na kayo baka ma tulfo pa kayo hahahha joke lng???”

“Shayne Lean Jardiel Martinez -Congrats and God bless to the both of you! ??”

“Edgar Mande -Wow Congrats Brother Ogie ? Idol ko si Sir Raffy Tulfo… sinusubaybayan ko Raffy Tulfo in Action?”

“Japoy Dones -Congrats sir Ogie Diaz
God bless Mabuhay po kayo”

“Divine Enya Mesina -Congrats, Ogie! I wish you and him lotsa endorsements!?”.




Sa kasalukuyan bukod pa sa pagiging bagong talent manager ni Action Man Raffy, si Ogie Diaz din ang talent manager at handler ng sikat na Kapamilya star na si Liza Soberano.