Ang pagbibinata at pagdadalaga ay kaabang-abang na yugto sa buhay natin. Dito natin malalaman kung gaano kaganda at kabuti ang kanyang paglaki kung saan masasaksihan natin ang mga pagbabago sa kanya.

Ang “Goin’ Bulilit” ay isang programa sa telebisyon sa Kapamilya Network na kinagigiliwan hindi lamang ng mga bata kundi maging ng mga matatandang manonood. Ang mga bumubuo nito ay mga cute at talentadong bata na nagbibigay saya sa mga manonood.

Sa ngayon, ang mga naunang cast ng “Goin’ Buliliit” ay graduate na sa programang ito dahil sila ay malalaki na kung saan nag-eenjoy na sila sa buhay ng pagiging dalaga at binata. Ang Goin’ Bulilit ang naging daan ng ilang artista upang pasokin ang industriya ng showbiz.

Katulad na lamang ni Mutya Orquia na nakilala sa programang Goin’ Bulilit at ngayon ay patuloy na namamayagpag ang karera at kasikatan sa showbiz na kilala sa tunay na pangalan na Ruelleen Angel Olano.
Matapos ang masayang karanasan sa Goin’ Bulilit ay kanya namang pinasok ang showbiz noong 2011, kung saan gumanap siya bilang isang sirena sa kapamilya fantaserye na Mutya.

Naging bahagi rin siya ng palabas na “Be Careful With My Heart” kung saan gumanap siya bilang anak ni Papa Chen bilang Abigail noong taong 2012 hanggang 2014. Nakasama rin niya ang aktres na si Kim Chui sa teleseryeng Binondo Girl at kanyang ginampanan ang role bilang Jade Dimagiba.

Ang nakilala nating napaka-cute na batang Mutya ay isa na ngang ganap na dalaga ngayon. Kahanga-hanga ang kanyang pagdadalaga dahil hindi lamang ang kanyang mukha ang nagbago kundi maging ang kanyang pisikal na kaanyuan na masasabing sadyang napakaganda nito.

Sa kanyang murang edad ay marami na siyang napatunayan na mas lalo pang nahubog ang kanyang talento dahil sa klase ng trabaho na pinasok niya. Habang tumatagal ay lalong gumaganda ang dalaga at sumisikat sa kanyang karera na talagang hindi maikakaila ang galing sa pag-arte. Walang duda na marami pang parating na proyekto sa dalaga kung saan magdadala sa kanya sa rurok ng tagumpay.

Isang inspirasyon si Mutya sa mga kagaya niyang bata pa lamang ay may pangarap nang nais makamit sa buhay upang maging matagumpay. Sa murang edad ay nagawa niyang tuparin ang kanyang nais upang makatulong sa mga magulang.