Mommy Pinty, Hindi Raw Magiging Hadlang Sa Kasal Nina Alex At Mikee

Kamakailan nga nang mapabalita ang kontrobersyal na kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na kung saan ay nanuntok umano ng body guard si Matteo dahil sa hindi inaasahang pagdating sa venue ni Mommy Divine sa kanilang secret wedding upang kausapin daw ang anak na si Sarah.

Photo Credit: Google Image




Ngunit ayon sa balita ay agaran naman itong itinanggi ng aktor na si Matteo at sinabing wala daw siyang sinuntok.

Ang sitwasyong ito ang nagdala kay Mommy Pinty upang tanungin tungkol sa nalalapit na kasal ng kanyang bunsong anak na si Alex sa fiancee nitong si Mikee Morada. Matatandaan na na-engaged ang dalawa matapos ang tatlong taon bilang magkasintahan noong nakaraang taon buwan ng Disyembre.

Photo Credit: Google Image

Hindi nag-atubili si Mommy Pinty sa pagsagot sa tanong kung pipigilan ba niya ang kasal nina Alex at Mikee. At sinabi na:

“Mag-aadvice lang kami. Kasi ano eh, nasa legal age na”

Sabi niya.




Photo Credit: Google Image

Ang pahayag na ito ni Mommy Pinty ay nakunan ng video, bagama’t hindi nakunan ang buong detalye ng katanungan ay makikita naman sa Youtube Channel ng Pinoy New Channel ang video kung saan maririnig ang tanong kay Mommy Pinty kung pipigilan niya ba ang kasal ni Alex kay Mikee. Masaya naman itong sinagot at pinaliwanag ni Mommy Pinty na hindi na raw ito gagawin dahil nasa legal age na umano ang kanyang anak.

Dahil sa magandang balita na ito mula kay Mommy Pinty, masaya naman itong ibinahagi ni Alex sa Instagram sa pamamagitan pag-post ng isang larawan noong kanyang kaarawan kung saan makikita ang kanyang engagement ring habang masayang nakayakap sa fiancee na si Mikee.

Photo Credit: Alex Gonzaga Instagram

Ang magandang balita sa post niya na ito ay kanyang nilakipan ng caption na:

“Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you, Jesus!”

Matatandaan na naganap ang simpleng proposal ni Mikee kay Alex sa Hong Kong at nakunan rin sa kanyang vlog kaya naman nasaksihan rin ito nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.




Nakapa-blessed ni Alex sa pagkakaroon ng isang inang kagaya ni Mommy Pinty na handang suportahan ang bawat hakbang na gagawin ng kanyang anak sa buhay, lalong-lalo na buhay pag-ibig at pag-aasawa.