Mga Netizens, Napamangha Ni Anne Curtis Matapos Matutong Magluto at Maglaba

Isa sa pinakainaabangan ng isang ina ay ang paglabas ng kanyang sanggol na dinadala sa kanyang sinapupunan.




Photo Credit: Anne Curtis Instagram

Ngunit, dapat maging handa muna ang bagong ina sa mga tungkuling kanyang dapat gampanan sa loob ng tahanan. Bilang isang ina at asawa ay dapat marunong ka nang gumawa ng mga gawaing bahay gaya ng pagluluto at paglalaba.

Photo Credit: Anne Curtis Instagram
Photo Credit: Anne Curtis Instagram

Parang kailan lang ng mapabalitang nagdadalang tao ang aktres na si Anne Curtis, ngunit ito na siya ngayon, nalalapit na ang pagsilang niya sa kanyang munting prinsesa. Ang It’s Showtime host na si Anne ay hindi maitago ang kaligayahan at pananabik sa nalalapit na pagsilang sa kanilang anak ng asawang vlogger na si Erwan Heussaff.




Photo Credit: Anne Curtis Instagram

Bagamat nasa bakasyon ang host sa kanyang trabaho, hindi parin siya nakakalimot na magbigay ng update sa kanyang mga fans tungkol sa mga ganap sa buhay niya sa pamamagitan ng social media.

At bilang paghahanda sa kanyang panibagong yugto ng buhay bilang ina at asawa na kanyang haharapin, ibinahagi niya ang kanyang interes na matutong magluto at maglaba.

Photo Credit: Anne Curtis Instagram

Sa isang Youtube video na pinost ng Showbiz Broadcast, mapapanood ang isang video ni Anne kung saan hinangaan ng mga netizens ang aktres habang masayang gumagawa ng gawaing bahay.

Photo Credit: Anne Curtis Instagram




Photo Credit: Anne Curtis Instagram

Makikita sa video na si Anne ay kasalukuyang nasa Australia kasama ang kanyang ina. Upang malibang ang aktres, tinuruan siya ng kanyang ina ng mga kakayahang maaaring gawin ng isang asawa sa loob ng tahanan. Sa tulong narin ng kanyang ina natuto si Anne magluto at magbake.

Photo Credit: Anne Curtis Instagram

Isa ring nagpamangha sa mga netizens nang makita si Anne na naglalaba ng damit ng kanyang baby.

“Time to get ready wash all the bubba clothes”

Aniya sa caption ng video.

Ang kanyang ina naman na si Mommy Carmen ay masayang ginagabayan at itinuturo ang bawat hakbang na kanyang gagawin sa kanyang paghahanda bilang isang ina at asawa.

Photo Credit: Anne Curtis Instagram




Nakakabilib at kahanga-hanga nga naman si Anne sa kanyang ipinakitang pagkakaroon ng interes na matuto ng mga gawaing bahay bilang paghahanda sa panibagong yugto ng buhay na kanyang haharapin bilang ina at asawa. Talagang handang-handa na siya sa nalalapit na paglabas ng kanyang mahal na prinsesa. Good job Anne!