Xian Lim Hindi pa Handa na Magpakasal Kay Kim Chiu

Kamakailan lang ay sumalang ang mga bida ng ng pelikulang “Untrue”na sina Xian Lim at Cristine Reyes sa isang interview sa Kapamilya Talk Show na Tonight’s With Boy Abunda.

Photo Credit: Google Image




At doon ay masinsinan silang nakapanayam ng kilalang host na si Boy Abunda patungkol sa kani-kanilang mga buhay pag-ibig.

Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube Channel

Sa naturang interview ay ibinahagi ng aktres na si Cristine ang patungkol sa naging hiwalayan ng dati niyang asawa na si Ali Khatibi. At inamin din niya na mas prayoridad niya ngayon ang kapakanan ng anak na si Amarah na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-5 kaarawan.

Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube Channel




Nitong nakaraan Pebrero 5 ay nagdiwang ng kanyang ika 31 kaarawan ang mommy aktres kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Samantala sa programang ‘Magandang Buhay’ ay masaya niyang ibinahagi ang kanyang birthday wish ng matanung siya patungkol dito.

“My wish? Sana po matupad ang heart’s desires ko for me and Amarah”

Paglalahad pa nito.

Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube Channel

Samantala, hindi naman isinasarado ng “Nang Ngumiti Ang Langit” aktres ang kanyang puso na muling magmahal ulit.

“I don’t look for it. Darating ‘yun kung meron”

Pahayag pa nito.

Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube Channel




Sa kabilang banda, nagpaliwanag naman ang binatang aktor na si Xian sa nauna niyang naging pahayag ng sabihin niya na wala pa sa plano niya ang pagpapakasal sa kasintahang si Kim Chiu.

“Not yet – I’m im, I feel like To be completely Feeling ko ang bata ko pa para doon.
I still have so much responsibilities to do, and there are so many things that I want to be able to accomplish. As a man, there are so many insecurities, I still have to overcome before jumping on that very big big step”

Paglilinaw pa ng Kapamilya aktor.

Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube Channel

At naging masaya naman ang naging panayam sa dalawa ng sumalang sila sa Fast Talk Challenge kung saan kailangan lang nila na sumagot ng ‘True or Untrue’ sa bawat itatanung sa kanila. Sinabi ni Xian na hango ang kanyang pangalan mula sa isang lugar sa China at inamin din niya na hindi nila kailanman napagtalunan ng kasintahang si Kim ang pagseselos.

Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube Channel




Samantala, inilahad naman ng half sister ng aktres na si Ara Mina na hindi niya alam ang mararamdaman noong makabangga ang dating kasintahang aktor na si Derek Ramsay. Ibinahagi naman ng 31 taong gulang na Kapamilya artist na takot siya sa mga ahas. Nahirapan naman si Cristine na sagutin kung may pagkakataon ba na naloko siya sa pag-ibig.

Sa katapusan ng naging panayam sa dalawa ay umamin sila na pareho silang handa na tuluyang iwan ang pag-aartista para sa kanilang mga minamahal.

Xian Lim is not ready to get married yet | TWBA