Matteo Guidecelli Nagsalita Na Patungkol Sa Kanilang Sikretong Pagpapakasal Ni Sarah Geronimo: ‘Nothing Will Ever Defeat Pure Honest Love’

Matapos ang ilang panahon na pananahimik ni Matteo Guidecelli sa sikretong pagpapakasal sa matagal ng kasintahang si Sarah Geronimo ay nagdesisyon na siyang ibahagi ang kanyang saloobin.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram


At para mabigyan linaw na din ang ibang mga pangyayari ay pinili na niyang ibahagi sa publiko ang kanyang nadarama.

Nitong nakaraang huwebes ika-20 ng Pebrero marami ang talagang sobrang nagulat ng sikretong magpakasal sila Sarah at Matteo sa isang kilalang hotel sa Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig na dinaluhan ng ilang mga piling bisita mula sa pamilya at malalapit na kaibigan.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Sa Instagram account ng gwapong celebrity ay ibinahagi niya ang kanilang kauna-unahang larawan bilang ganap ng mag-asawa.

“matteog 02 20 2020. A day full of pure love, honesty and genuine emotions. Yes, we got married. Mr and Mrs. Guidicelli, First and foremost, We would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together. We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters”

pagbabahagi pa nito kung bakit nila piniling isikreto ang kanilang pag-iisang dibdib.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram


Binigyang linaw din niya sa kanyang post ang napa-ulat na diumano ay may sinaktan siyang isang security na nagbabantay kay Sarah pagkatapos ng kanilang kasalan.

“That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never ‘punched’ anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family”

Paglilinaw pa nito.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Sa kabilang banda, labis labis-labis naman ang pasasalamat ni Matteo sa kanyang pamilya, mga malalapit na kaibigan gayundin sa mga tagahanga nila na buong-buo ang suporta sa kanilang pag-iibigan.

“Each and every one of you have been part of our love journey and we want to say, thank you. Friends, family and everyone on ‘social media’ have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE, – I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter. Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family”

Pasasalamat pa niya sa mga sumusuporta sa kanila.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram


Samantala, nananatili naman na positibo ang 29 na newly wed na magiging maayos din ang mga bagay sa paglipas ng panahon.

“We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support! Again, from the deepest part of our hearts thank you!”

Positibong pagbabahagi pa ni Matteo.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Ilang mga kapwa celebrities at tagahanga ang nagpaabot ng kanilang masayang pagbati sa newly wed na couple.

“therealangellocsin Love you guys! Super happy for the both of you! ??? Congratulations!”

“officialjuday Prayers and love for you both.. ❤️❤️ always and forever”

“iyavillania Baby boy!!!! You know how happy I am for the two of you ❤️❤️❤️ can’t wait for the day when everything and everyone is at peace ? enjoy the best life ever as Mr and Mrs! ❤️”

“rhagie19 Kapit lang kay Lord sa mga pag subok sa buhay. congrats and To God be The Glory. ❤️❤️❤️”

“luisa.anonuevo1 congrats Matteo and Sarah You deserve to be happy.. godbless your marriage ?”.