Tayong mga pinoy ay talagang malaki ang pagkahilig sa pag-awit mula sa mga simpleng kasayahan hanggang sa malalaking okasyon hindi maaring mawala ang awitan.

At talaga namang pagdating sa larangan ng pag-awit tayong mga Pinoy ay hindi pahuhuli, sa katunayan ilan sa ating mga mang-aawit ay hindi lang dito sa ating bansa kilala kung hindi maging sa ibang bansa.
At ngayon nga isang kababayan na naman natin ang gumagawa ng pangalan sa larangan ng musika. Sino nga ba ang hindi nakakakilala ngayon sa Pinoy singer na si Marcelito Pomoy na kasalukuyang lumalaban sa World Class singing competition na ‘America’s Got Talent’

Matatandaang noong unang beses na sumalang ang kababayan nating singer ay ginulat niya ang mga audience at ang mga hurado ng ipamalas niya ang angking galing sa pagkanta. At sa pag-awit niya ng kantang ‘The Prayer’ na inawit ng kilalang opera singer na si Andrea Bocelli at ng Canadian singer na si Celine Dion ay talagang napahanga niya ang apat na hurado.

Sa katunayan, ninais ng ilang hurado at ng buong audience na ipagkaloob kay Marcelito ang ‘Golden Buzzer’ ngunit hindi niya ito nakamtan matapos na sabihin ng huradong si Howie Mandel na masyado pang maaga upang ibigay ito dahi sal ka-uumpisa pa lang ng kompetisyon.

At ngayong nasa semi-final na ang naturang kompetisyon mas maraming mga sumusuporta sa kanya ang nagnanais na mapanalunan niya ang pamosong kompetisyon. Pagkatapos niyang awitin ang kantang ‘To Say Goodbye/Con Te Partirò’ na isa rin sa mga kanta ni Andrea Bocelli ay muling umani ng magandang komento si Marcelito sa mga hurado.

Para sa huradong si Howie Mandel ang kababayan nating singer ang may mataas na chance na manalo sa kompetisyon.
“I believe that you have the best shot of winning this whole thing”
Masayang pahayag ng hurado.

Samantala para naman sa magandang hurado na si Alesha mahusay ang pagkakapili ni Marcelito sa kanyang kanta.
“Absolutely brilliant song choice! It really enabled you to shine”
Masayang pagbati pa nito.

At ang hurado naman na si Heidi Klum ay inaming si Marcelito ang paborito niyang performer
“Marcelito, I’ve been waiting for you all day to come on to the stage. For me, you are my favorite”
Sabi pa nito.

Sa kabilang banda, nagbigay naman ng hamon ang huradong si Simon Cowell sa Pinoy singer matapos nitong sabihin na kung ano pa ang maari niyang maipakita sa darating na finals.
“There is no denying that you have a very unique, incredible special talent”
Said Simon Cowell. He challenged Marcelito to take a risk when he does get into the finals of the show but warned that he might no longer have the surprise factor that got him this far into the competition.
“But I do believe that with a gift live you’ve got, you’ve got a massive career in front of you. You really, really do”
Hamon pa ng beteranong hurado.
Maraming mga kababayang tagahanga at maging dayuhang manunuod ni Marcelito
ang umaasa at nanalangin na makapasok siya hanggang sa huling bahagi ng kompetisyon.