Connect with us

Entertainment

Masdan: Simpleng Pamumuhay Ng Dating Sikat Na Singer Si Kitchie Nadal Sa Piling Ng Kanyang Pamilya

“Live a simple life; you will own the most beautiful treasures of the world! – Mehmet Murat ildan”

Photo Credit: Kitchie Nadal Instagram




May mga taong mas pinipiling iwanan ang marangyang buhay upang ipagpalit sa simple ngunit masayang pamumuhay.

Photo Credit: Kitchie Nadal Instagram

At isa na dito ang dating kilalang singer songwriter na si Kitchie Nadal o sa tunay na buhay ay si Anna Katrina “Kitchie” Dumilon Nadal-Lopez. Una siyang nakilala bilang lead vocal ng bandang ‘Mojofly’ noong taong 1998 subalit mas naging matunog ang kanyang pangalan simula ng magdesisyon siya na kumanta bilang Solo OPM singer.

Photo Credit: Kitchie Nadal Instagram




Naging bukam-bibig ng bawat Pinoy ang mga kanyang mga inawit lalo na ang kanyang second single na “Huwag na Huwag Mong Sasabihin”, na naging most-played OPM single noong 2004 at umani din ng maraming parangal. Bukod dito ay naging hit din ang mga kanta niya na Same Ground, Malaya, Simula Ngayon, Wandering Stars at Majika.

Photo Credit: Kitchie Nadal Instagram

Samantala, kahit na abala si Kitchie bilang mang-aawit ay hindi naman ito naging hadlang upang hindi niya matapos ang kanyang edukasyon sa katunayan ay nagawa niyang pumasok sa mga kilalang kolehiyo na St. Scholastica’s College at De La Salle University. kung saan nagtapos siya ng double degree na kurso na major sa Education at Psychology.

Photo Credit: Kitchie Nadal Instagram




Sa kabila ng kasikatan na nakamit sa larangan ng musika ay pinili ng OPM singer na magkaroon ng simpleng pamumuhay. Taong 2015 ng magpakasal si Kitchie sa kasintahang si Carlos Lopez kung saan ay naging kontrobersiyal pa ang kaniyang kasal matapos na piliin na magsuot lamang ng simple at murang bridal gown. Pagkatapos ng kasal ay nagdesisyon na rin siyang manirahan sa Espanya kung saan nagtatrabaho bilang journalist ang kanyang asawa at makalipas ang ilang taon ay nabiyayaan sila ng anak na lalaki.

Photo Credit: Kitchie Nadal Instagram

Sa kabilang banda, nanatili naman bukas sa publiko ang bawat bagong kaganapan sa kanyang buhay, Sa kanyang Instagram ay masaya niyang ibinahagi ang pagbubuntis sa kanyang panganay na anak na si Kein. Samantala, may mga pagkakataon pa rin na tumutugtog pa din siya sa ilang mga piling events.

Photo Credit: Kitchie Nadal Instagram




Sa kasalukuyan ay naging abala siya bilang brand endorser ng kilalang multinational gas company na ‘Caltex’ kung saan nakasama niya ang ilang mga kilalang international na mga musicians. Lumabas din siya sa isang commercial na kasalukuyang mapapanuod sa iba’t ibang bansa. Paminsan ay umuuwi siya sa Pilipinas upang kamustahin at dalawin ang mga naiwang pamilya.

error: Content is protected !!