Masdan: Bagong Career Ng Dating Mara Clara Child Aktres Na Si Agatha Tapan Pagkatapos Umalis Sa Pag-aartista

Sino ba ang hindi pinaiyak at pinaluha ng dating longest-running hit series na Mara Clara na pinagbidahan ng dalawa sa pinakamagagaling na aktres sa ating bansa na si Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Photo Credit: Google Image

At talaga namang kinabiliban natin hindi lang ang mga karakter nina Mara at Clara maging ang ibang karakter na tumatak sa mga manunuod dahil sa mahusay nilang pagganap sa sikat na teleserye.




Isa sa hindi makakalimutang karakter ay si Denise na ginampanan ng dating child star na si Agatha Tapan. At masasabing naging daan talaga para sa katulad ni Agatha ang pagbida sa Mara Clara upang mapalago pa ang talento niya sa pag-arte.

Photo Credit: Agatha Tapan Facebook

Matapos nga ang pagiging bahagi niya sa Kapamilya teleserye ay nagkaroon siya ng ilang mga proyektong pelikula. Taong 1996 ay nakasama siya sa pelikulang Trudis Liit at Maginoong Barumbado, at pagkatapos ay naging bahagi siya sa pelikulang ‘Kahit Minsan Lang’ noong 1997.

Photo Credit: Google Image

Samantala, marami talaga ang nagulat matapos na hindi na siya makita sa harap ng kamera. At napag-alaman na lamang sa isang lathalain patungkol sa kanya ang naging dahilan upang iwanan niya ang showbiz. Sa naturang lathalain ay nabanggit na ipinagpatuloy niya ang pag-aaral.




Sa kabilang banda, hindi naman niya itinago sa publiko at maging sa tagahanga ang mga personal na detalye ng mga kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan. Sa katunayan bukas sa publiko ang kanyang facebook page upang malaman ang mga bagong kaganapan sa kanyang buhay.

Photo Credit: Agatha Tapan Facebook

Sa kanyang facebook ay mababasa na nagawa na niyang matapos ang kanyang college degree sa De La Salle University Dasmarinas sa ilalim ng kursong AB Communication. At makikita rin dito ang pagiging Business Development Analyst niya sa ANC noong taong 2010.

Photo Credit: Google Image

Sa kabilang banda, mayroon na ring sariling pamilya ang dating batang aktres. Taong 2015 ng magpakasal siya sa asawang si Romel Galiza at makikita nga sa kanyang social media ang larawan ng isang sanggol na sa malamang ay kanilang anak.




Sa kasalukuyan ay masaya siya kasama ang pamilya ay mayroon na rin sariling trabaho bilang isang Financial Wealth Planner sa FWD. At masasabing wala na siyang balak na bumalik sa mundo ng show business.