Isa sa mga kaabang-abang na kaganapan para sa mga estudyanteng highshool ay ang JS Prom o Junior and Senior Promade na ginanap tuwing buwan ng Pebrero.

Isa itong masayang karanasan at hindi malilimutang sandali sa highschool dahil dito mo mararanasan ang may makasayaw ng may kapareha. Ngunit, ang event na ito sa paaralan ay hindi rin biro dahil kinakailangang gumastos ng mga magulang upang may maisuot ang kanilang mga anak. Ang mga babae ay nagsusuot ng mga gown at formal suit naman ang mga lalaki.

Kaya naman sa espesyal na araw na ito, ipinapakita ang pagsuporta ng mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya sa kaganapang ito sa buhay ng kanilang anak sa paaralan.

Si Maverick Francisco Oyao ay hinangaan ng mga netizens dahil sa ipinakitang pagmamahal niya sa kanyang kapatid na dadalo sa JS Prom. Nang malaan niya na ang kaganapang ito sa paaralan ng kapatid, sa kabila ng kawalang ng pera ay kanyang sinuportahan at pinahintulutan na sumali ang mahal na kapatid dahil ito na ang huling pagkakataon upang makasali sa naturang event.

Dahil nga magastos at mahal ang magrent na gown na isusuot para sa JS Prom, nagkaroon ng ideya si Maverick na gumawa na lamang ng gown sa isiping mas makakatipid sila. Sa una, nahihirapan pa siya kung pano siya magsisimula ngunit nang makita niya ang kagustuhan ng kanyang kapatid na makadalo sa event ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa upang simulan ang plano.

Para makakalap si Maverick ng mga detalye upang makabuo ng isang gown, sumangguni siya sa Google at nanood na rin sa Youtube kung saan ginawa niyang inspirasyon ang spring and summer collection ni Michael Cinco.

Sa tulong ng kanyang ina at ng kanyang pagsisikap, sipag at determinasyon sa mga gabing puyat at kulang sa tulog upang mabuo ang mga detalye ay natapos ang kanyang napakagandang gawang gown. Talagang hindi niya inaasahan ang magandang kinalabasan ng kanyang gawa. Masayang-masaya siya at buong puso niyang pinagmamalaki na ang gown na susuotin ng kanyang kapatid ay nagmula sa sarili niyang mga kamay.

Bagay na bagay sa kanyang kapatid ang asul na gown na ginamitan ng satin materials at may criss-cross na disenyo sa palda nito gamit ang white satin ribbon. Mas lalo pa itong pinaganda ng mga beads at maliliit na bulaklak. Samantalang ginamit naman niya ang kanyang talento sa pagpinta sa katawan ng gown na may ombre na disenyo at pinaresan niya ito ng “fin-liked sleeves” na mas lalong nagpakita kung gaano kaganda ang gown.

“Hinding-hindi ako magsasawa na suportahan ka. Promise ni kuya mo ‘yan sa’yo”
Pahayag ni Maverick.

Masayang-masaya si Maverick sa kinalabasan ng kanyang gawa. At ipinaramdam rin niya ang pagmamahal at walang sawang pagsuporta sa kanyang mahal na kapatid.


Ang kahanga-hangang kwento nilang magkapatid ay pinost niya facebook at hinangaan ng mga netizens ang napakaganda niyang gawang gown. Ang post na ito ay umabot na ng 60K reactions, 3.3K comments at mahigit 53K shares.