Ang penmanship o sulat kamay ng isang tao ay isang paraan ng pagsusulat gamit ang ating mga kamay.
- Photo Credit: Rexy Anne Banez Facebook
Maraming uri ng instrumento ang ginagamit sa pagsusulat upang maging malinis tingnan at madali itong basahin, kagaya na lamang ng lapis at ballpen. Ngunit sa pagdaan ng panahon at pagkakaroon ng modernong teknolohiya ay nadagdagan rin ang paraan ng paglimbag ng mga sulat.
Kaya naman sa makabagong panahon nating ito ay labis na kahanga-hanga ang pagkakaroon ng sulat kamay na napakaganda at linis tingnan kung saan ay agad na mababasa ng maayos ang mga salita.
- Photo Credit: Rexy Anne Banez Facebook
Isang estudyante nga ang hinangaan ng mga netizens dahil sa handwritting na talagang mapapa-sana all ka na lang dahil sa ganda at linis ng pagkakasulat niya na daig pa ang typewritter sa paglimbag ng bawat salita.
Ang napakagandang sulat kamay na ito ng estudyante, ay ibinahagi ng gurong si Rexy Ann Banez sa social media at kanyang nilakipan ng may lubos na paghangang caption. Ang malinis na penmaship umano ay pagmamay-ari pala ng isang accountancy student na si Renato Jumawan Jr.
“Flexing my student’s amazing penmanship. Mura jud ug gigamitan ug typewriter (Parang ginamitan talaga ng typewriter). Mapapa-sana all ka na lang”
Sabi ni Banez.
- Screenshot: Rexy Anne Banez Facebook
Dahil talaga nga namang makikitang napakaganda at linis ng pagkakasulat, maraming netizens ang bumilib at humanga sa kanyang sulat kamay na animo’y mula sa isang typewitter ang bawat salita at numerong kanyang inilimbag. Sa katunayan, umabot na sa 9.3k reactions at 16k shares ang post ni Banez. Nagbigay naman ang mga ito ng kanilang mga reaksyon at komento.
“Ganito sana kalinis ang sulat ko noon pero sabi nila, yung mga pangit ang sulat daw kasi ang mga tunay na matatalino. Kaya ayun.”
“Ganito sana ang sulat ko e, kaso ayaw ng kamay ko. Ayoko pilitin mag aaway lang kami”
Palusot naman ng isa.
Pagbibiro naman ni Mark, mukhang may future daw ang estudyante bilang taga-sulat ng dedication sa mga cake.
“Work ng student na ‘yan sa future taga lagay ng “Happy Birthday” sa cake ng Red Ribbon”
Ayon kay naman kay Joyce, ang sulat kamay na ito ay may pinatunayan,
“Ang ganda naman ng sulat. Talagang pinatunayan na accounting is an art.”
Bukod sa ganda ng sulat ng estudyante, marami rin ang nakapansin na na-balanse niya agad ang equation.
“Di mo na maiisip sulat mo, basta balance eh”
Sabi naman ng isang guro, matutuwa raw siyang mag-check ng mga papel ng estudyante kung ganito kaayos ang sulat.
“Ang sarap mag-check [kapag] ganito yung sulat ng estudyante”