Mag-asawang Regine Velasquez At Ogie Alcasid, Ipinasilip Ang Kanilang Magarbong Tahanan

Sa industriya ng showbiz ay may mga magkapareha na pareho ang tinatahak na larangan. Kagaya na lamang ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid na parehong nasa larangan ng musika.

Photo Credit: Google Image




Si Regine ay kilalang mahusay na mang-aawit at binansagang “Asia’s Songbird” dahil sa kanyang husay sa pag-awit. Samantalang ang kanyang asawa naman na si Ogie Alcasid ay isa ring mahusay na mang-aawit at kilala rin bilang magaling na composer.

Photo Credit: Google Image
Photo Credit: Google Image




Ang mag-asawang singer ay inilaan sa tama ang kanilang mga kinikita mula sa kanilang pagsusumikap sa trabaho. Kaya naman dahil sa kanilang sipag at tiyaga ay nakapagpundar sila ng isang magarbong bahay. Ibinahagi naman ng mag-asawa ang bahay na bunga ng kanilang pagsisikap sa kanilang Instagram. Ang kanilang magarbong tahanan na may tatlong palapag na contemporary house ay matatagpuan sa tutok ng burol sa isang pribadong subdibisyon sa Quezon City.

Photo Credit: Google Image

Sa mga larawang ibinahagi sa kanilang Instagram ay makikita ang napakaganda at napakalaking bahay na may madernong disenyo na kung saan ay malinis at maayos rin itong tingnan.

Ang living room na unang sasalubong sa mga bisita ay makikita ang nakahandang kulay puting sofa na hugis letrang L na Crescenti Giant. Na kung saan ay likha ni Ann Pamintuan na isang award winning artist mula sa Davao.

Photo Credit: Google Image

May kapansin-pansin ring isang Arc Lamp na napakaganda at bumagay sa living room. Ito ay mula sa Kai Collection na likha ng isang kilalang furniture designer na si Kenneth Conbopue na nagmula sa Cebu.




May makikita rin na isang mahaba ngunit makitid na mesa sa likod ng sofa kung saan makikita ang mga nakapatong na larawan ng pamilya nina Regine at Ogie. At sa gilid naman nito ay ang sliding door kung saan nakalagay ang isang upuan na may kakaibang disenyo na regalo ng kaibigan ni Ogie na si Dos Quizon.

Photo Credit: Google Image

Samantala, ang nagsisilbing opisina naman ni Ogie ay matatagpuan sa kabilang silid ng living room. Dito naman makikita ang computer table ni Ogie na nakatabi sa kanilang bintana at masisilayan ang ganda ng tanawin sa labas ng kanilang tahanan. Nakapatong sa kanyang computer table ang computer, printer at CCTV monitor kung saan makikita ang mga pangyayari sa kanilang tahanan. Sa gilid naman nito ay may display stand at nakasabit rito ang ilang mga larawan.

Photo Credit: Google Image

Sa isang larawan naman makikita ang bahagi ng kanilang kusina na napakalinis at maayos na nakasalansan ang mga kagamitan. May hapagkainan rin silang lamesa na may walong upuan.




May makikita ring isang flat screen TV na nakapatong sa isang sideboard. Dito umano nilalagay ni Ogie ang kanyang 3 video game console plastation na ginagamit tuwing may bisita lamang sila.

Photo Credit: Google Image

Sa dakong hagdan naman, makikita ang isang Lyric grand piano ni Ogie na kulay itim at may nakapatong na larawan at isang magandang bulaklak sa itaas nito. May napakaganda namang larawan ni Regine ang nakasabit sa dingding bago sapitin ang hagdanan. Ito ay surpresang regalo umano ni Ogie sa kanyang asawang si Regine.

Photo Credit: Google Image

Sa ikatlong palapag naman ng kanilang tahanan makikita ang mga ibat-ibang abstract na likha ni Elmer Torio. May abstract rin na likha ng direktor na si Louie Ignacio. Maging ang kapatid ni Ogie na si Tony Alcasid may likha ring abstract.




 

Sa ikatlong palapag rin matatagpuan ang kanilang silid-tulugan. Nagbahagi ang mag-asawa ng larawan ng silid ng kanilang anak na si Nate. At makikita sa silid nito na napakaganda at linis nito.

Sa groundfloor naman, matatagpuan ang nagsisilbing recording area ni Ogie. Makikita rito ang mga kagamitan niya sa pagkanta at pagbuo ng musika. Makikita rin rito ang kanyang mga albums at collections.

Photo Credit: Google Image

At siyempre hindi rin magpapahuli upang magbigay ganda sa kanilang tahanan ang makapigil hiningang infinity pool na matatanaw rin ang magandang tanawin. Sa gilid ng pool ay may dalawang modernong higaan kung saan pwede kang mag-enjoy sa sikat ng araw.

Photo Credit: Google Image




Ayon sa mag-asawang Regine at Ogie, ang napakagandang disenyo ng kanilang tahanan ay pinag-isipang maigi ng arkitektong si Anthony Nazareno. Samantalang ang interior design naman ng kanilang magarbong tahanan ay mula kina Ivy at Cynthia Almario.