Look: Kim Chiu, Nakatanggap Ng Higanteng Bouquet Ng Bulaklak Mula Sa Nobyong Si Xian Lim

Ang Valentine’s day o araw ng mga puso ay espesyal na araw para sa mga taong nagmamahalan. May kanya-kanya ring diskarte ang bawat-isa upang surpresahin at bigyan ng kaligayahan ang mga taong kanilang minamahal.

Photo Credit: Kim Chiu Instagram




Kadalasan, ang ordinaryong regalong natatanggap ng mga kababaihan sa mga nobyo, asawa o nagmamahal sa kanila ay bouquet ng bulaklak,chocolate at may kasama pang cake ang ilan.

Ang espesyal na araw na ito ay labis na pinaghandaan ng aktor na si Xian Lim upang surpresahin ang nobyang si Kim Chiu. Ang karaniwang bouquet ng bulaklak ay binigyan ng kakaibang style ng aktor dahil hindi lamang ito basta bouquet ng bulaklak kundi isang higanteng bouquet na mas malaki pa sa aktres na si Kim.

Photo Credit: Kim Chiu Instagram

Sa Vlog ni Mikee Agustin, ibinahagi niya ang pagsurpresa ni Xian sa nobyang aktres na si Kim nang magdala ito ng nakapalaking bouquet ng bulaklak sa set ng “Love Thy Woman” na nagpamangha sa lahat. Makikita na labis na natuwa ang aktres na si Kim na talagang hindi maitago ang kilig sa kanyang mga ngiti.

Sa Instagram naman ni Kim Chiu, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa effort na ginawa ng kanyang nobyo.




Photo Credit: Kim Chiu Instagram

“Each year, you never fail to surprise me! Still and will always will! Thank you, Xi!!! Thank you for putting such effort to surprise me! Babae pala ako”

Sabi ni Kim.

Naikwento rin ng aktres sa post niya na tinitingnan niya lamang sa IG ang mga magagandang bouquet ng bulaklak na natanggap ng kanyang mga kaibigan, ngunit siya pala ay may matatanggap na higanteng bouquet ng bulaklak.

Photo Credit: Kim Chiu Instagram




“[I was] scrolling my IG while on the set taping looking at all the girls having their pretty bouquet of flowers posted on IG! Before the day ends, here I am having my own HUGE, Pretty BOUQUET! Thank you, Xi! Happy Valentine’s indeed”

Sabi niya.

Sa labis na kasiyahan ng aktres ay nagawa pa nitong magbiro kung pano niya maiuuwi ang higanteng bouquet ng bulaklak sa bahay nila.

Photo Credit: Kim Chiu Instagram

Marami ang namangha at napa sana all sa nakakakilig na pagsurpresa ni Xian kay Kim ng higanteng bouquet ng bulaklak, kaya naman inulan ito ng mga komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Kris Aquino ay nagsabi na,

“Thank you for the SAGE, kimmy. Thank you for the pasta for long life. You deserve all the LOVE in the world”

Si Miss Universe 2014 Mary Jean Lastimosa naman, sinabing “as big as the sky” ang natanggap na bulaklak ni Kim.