Look: Arci Munoz, Mas Lalong Nagpainit Sa Amanpulo Dahil Sa Kanyang Mga Kaakit-akit Na Larawan

Talaga nga namang nalalapit na ang summer season at marami na ang handang salubungin ito.

Photo Credit: Arci Munoz Instagram

Napakasarap eenjoy ang summer lalo na kung pupunta sa isang lugar na may napakagandang tanawin. Maging ang mga sikat na artista ay sabik naring damhin ang init ng araw sa nalalapit na summer season.




Hindi papahuli ang aktres na si Arci Munoz sa mga kilalang personalidad na talaga namang maagang sinalubong ang summer. Bagamat malamig ang nararanasang klima sa ating bansa ngayon, hindi ito naging hadlang kay Arci upang maenjoy ang summer.

Photo Credit: Arci Munoz Instagram

Pagkatapos ng pamamasyal ni Arci sa napakagandang South Korea, ngayon naman ay kanyang ninanamnam ang pagbababad niya sa ilalim ng sikat ng araw at ini-enjoy rin ang paglalagi sa white sand beach sa napakagandang resort sa Amanpulo, Palawan.

Photo Credit: Arci Munoz Instagram

Sa magkakasunod na post ni Arci sa Instagram ay makikita ang mga kaakit-akit na larawan ng aktres na talagang napakaganda at kitang-kita rin ang kaseksihan nito habang umaawra sa puting buhangin ng napakagandang isla ng Palawan, mas lalong pang pinatingkad ang kanyang ganda at kaseksihan ng suot niyang kulay puting one piece swimsuit.




Marami sa followers at tagahanga ni Arci ang humanga sa kanya dahil sadyang napakaganda at sexy nito. Maging ang ibang kapwa niya artista tulad nina Loisa Andalio, Jessy Mendiola, Denise Laurel, Barbie Imperial at Ruffa Mae Quinto ay humanga rin sa kanya sa pagkakaroon ng napakasexy na katawan na talagang masasabi na “beach-ready figure” na kung saan inilarawan pa nilang “body goals”.

Photo Credit: Arci Munoz Instagram

Mapapa-wow ka talaga sa kaseksihan at kagandahan ni Arci na kasing ganda rin ng matatanaw na tanawin sa isla, maging ang kanyang makinis na kutis ay kasing puti naman ng mga buhangin sa isla na talagang kahanga-hanga. Talaga nga namang summer ready ang kanyang nakapasexy na pigura kung saan hinangaan ng marami.

Photo Credit: Arci Munoz Instagram




Sa ngayon ay ating mapapanood si Arci sa ABS-CBN sa teleseryeng “Pamilya Ko”. May bago rin tayong aabang pelikula niya sa ilalim ng Rocketsheep Studio na “Hayop Ka! (You Son of a Bitch!)”, kasama ang magagaling na artista na sina Angelica Panganiban, Robin Padilla, Sam Milby, at Empoy Marquez.