Komedyante-Aktres Ethel Booba Nanganak Na Sa Kanyang Unang Anak:’Little Booba’

“Having a child, particularly your first child, is such a life-changing moment. Nothing can really prepare you for that – Kate Middleton”

Photo Credit: Ethel Booba Instagram




Tunay ngang isang napakagandang bagay para sa isang babae ang naranasan na maging ganap na ina. At hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa oras na mahawakan na niya ang supling na ilang buwan niyang iningatan sa loob ng kanyang sinapupunan.

Photo Credit: Ethel Booba Instagram

Ito ang masayang nararanasan ng komedyante-aktres na si Ethel Booba matapos niyang maipanganak ang isang malusog na sanggol. Isang magandang sanggol na babae ang maayos na naisilang ng Kapamilya artist nito lamang ika-15 ng Pebrero.

Photo Credit: Ethel Booba Instagram

Sa isang naging panayam sa singer-aktres ay inilahad niya na talagang hindi na niya inaasahan na magbubuntis at magkaka-anak pa dahil sa kanyang edad. Ang malusog na baby girl ay panganay na anak ni Ethel sa kanyang matagal ng non-showbiz partner na si Jessie Salazar.




Sa mismong Valentine’s day ay ibinahagi ng ‘Praybeyt Benjamin 2’ sa kanyang Twitter account ang isang kuhang larawan na nagpapakita ng hita ng kanyang anak at tinawag pa niya itong ‘Little Booba’,
“Welcome to this world, Little Booba. Charot”, masayang tweet pa ng bagong Mommy.

Photo Credit: Ethel Booba Instagram

Sa kabilang banda, kilala talaga ang akres na mahilig magtweet sa katunayan binansagan siyang ‘Goddes Twitter dahil sa kanyang mga post. At hindi lang naman palagi sa kanyang personal na buhay ang mga patungkol sa kanyang post dahil maging sa mga bagong kaganapan magmula sa mga latest na mga kontrobersiya sa industriya ng showbiz at sa mga kaganapan sa pulitika ng ating bansa ay matapang din niyang ibinabahagi.

Photo Credit: Ethel Booba Instagram

Samantala naging kontrobersiyal naman ang 43 na taong gulang na aktres matapos niyang ilahad na diumano ay hindi siya nabayaran ng Kapamilya network na ABS-CBN sa ilang mga proyektong pinagganapan niya dito.




Kamakailan lang ay sumali si Ethel sa ‘It’s ShowTime: Tawag Ng Tanghalan’ Celebrity edition kung saan itinanghal siya bilang Grandwinner at ilang araw matapos niyang manalo ay inilahad din niya sa Kapamilya show na siya ay kasalukuyang nagdadalang-tao.