Ang New Year ang isa sa mga importanteng selebrasyon na ipinagdiriwang sa buong mundo kung saan sumisimbolo ng bagong taon at bagong pag-asa sa nakararami.

Ngunit, maliban sa nakagisnang selebrasyon ng bagong taon mayroon ring para sa mga Chinese, ito ay ang Chinese New Year. Ngayong taon, ipinagdiwang ang Chinese New Year noong January 25 sa Binondo, Manila kung saan marami ang nakisaya.

Ang taong 2020 ay Year of the Metal Rat, kung saan maituturing na bagong simula at pagiging positibo sa buhay. Panibagong taon na nagbibigay ng bagong pag-asa sa pagnenegosyo, masayang pamilya at pagiging swerte sa buhay.

May mga artista namang masayang sinalubong ang Chinese New Year. Isa na rito si Kim Chui na kilala sa pagkakaroon ng dugong Chinese na naniniwala na ang taong ito ay panibagong simula at pag-asa. Bilang Chinese, naging kaugalian na ng kanyang pamilya ang pagsalubong sa Chinese New Year taon-taon.

Sa kanyang Instagram Account, ibinahagi niya ang selebrasyon ng pagsalubong ng Chinese New Year kasama ang kanyang pamilya. Makikita sa larawang ibinahagi ni Kim na handang-handa na siyang salubungin ang Chinese New Year. Kitang-kita sa nakangiting mukha ang kagandahang taglay ng aktres na nakasuot ng red chinese dress. Makikita rin ang larawan ng kanyang buong pamilya na sama-sama at masayang-masaya.
“新年快乐 (xīn nián kuài lè) ?✨?.
Wishing everyone love, peace, happiness and multiple blessings this year of the metal Rat!!!!??????
HAPPY New Year everyone!!!!!???”
Saad sa kanyang IG caption.

Maliban sa mga larawan, nagpost rin si Kim ng isang video kung saan makikita ang kanilang masayang pagdiriwang ng Chinese New Year. Mapapanood rin sa video ang kanilang sabay-sabay na pagbati ng “Kung Hei Fat Choi”.


Nagpasalamat rin ang aktres sa mga naging bahagi ng selebrasyon na nag-ayos at naghanda ng bonggang Chinese New Year Celebration.
Ang ilang netizens naman ay nagpaabot rin ng kanilang pagbati. Narito ang kanilang pagbati:
“Happy xhinese new year Idol kimmy?? we are so excited sa Love Thy Woman”
“Happy New Year, Good luck, health, happiness to everyone.❤”