Joshua Garcia Hindi Nagmamadaling Magka-Lovelife Pokus Muna Sa Kanyang Trabaho

Pebrero ito ang buwan ng pag-ibig kung saan ang kapaligiran ay napupuno ng mga taong nagmamahalan.

Photo Credit: Joshua Garcia Instagram




Mula sa magpapamilya, mga magkakaibigan at maging sa magsing-irog na nag-iibigan. At para sa binatang aktor na si Joshua Garcia magiging sobrang abala ang kanyang mga parating na araw.

Photo Credit: Joshua Garcia Instagram

Sa kasalukuyan ay abala ang gwapong aktor sa pagsushoot ng bagong niyang proyekto na ‘Ang Mga Kaibigan Ni Mama San’ ito ay hango sa nobela ng kilalang book writer na si Bob Ong. Kamakailan ay nakasama na rin ni Joshua ang iba pang mga artista na makaka-eksena niya sa horror movie at isa na nga dito ang beteranang aktres na si Angie Ferro.

Sa isang panayam sa kanya ay ibinahagi niya ang paghanga sa magaling na aktres na gaganap bilang ‘Mama San’.

Photo Credit: Joshua Garcia Instagram

“Naririnig ko na siya dati pa na magaling talaga siyang artista, pero nung nakita ko siya sa storycon lalo akong humanga sa kanya, kasi di ba, sa edad niya, nagtatrabaho pa rinsiya. Wala lang, sobra lang akong bumilib”

Pahayag pa niya sa naturang panayam.




Samantala, inamin ng aktor na nasasabik na siya na makabonding ang iba pang cast sa bagong project at nais niya na makaclose silang lahat.

Photo Credit: Joshua Garcia Instagram

“Oo naman, yon ang masarap kapag may mgabagong project, may bago ka ring nakakatrabaho at nagiging kaibigan”

Sabi pa ng Kapamilya aktor.

At ng matanung naman siya kung bakit siya abala sa trabaho at wala na bang plano na magkaroon ng lovelife ay tinawanan na lang niya ito.

Photo Credit: Joshua Garcia Instagram

“Mas okey yung maraming work kasi hindi ka magugutom. At saka mas okey yung may ginagawa ka kaysa wala kang ginagawa. Parang pag-artista, mas okey na pinagkakaguluhan ka kaysa hindi ka pinagkakaguluhan”

Banggit pa nito.




Matatandaang naging usap-usapan ang pagiging malapit niya sa aktres na si Janella Salvador at nilinaw niya na magkaibigan lamang sila ng aktres.

Photo Credit: Janella Salvador Instagram

“Happy naman ako kung anong meron sila (ni Markus Paterson). And happy rin naman ako kung anong meron kami ni Janella. At least yung sa amin– yung friendship namin forever yon”

Ayon pa sa 22 na taong gulang na aktor.

Ayon pa sa gwapong binata hindi naman niya isinasantabi na muling magmahal.

Photo Credit: Joshua Garcia Instagram




“Ako, hindi ko masabi yan. Open naman kasi ako sa kung anong pumasok. Kasi ayoko ring magsalita ng tapos, alam mo naman ako marupok, Ayoko namang magsalita ng tapos na, Hindi, Focus muna ako sa career. Kasi siyempre hindi mo masabi yung tatakbuhin ng taon sa akin. Malay mo may makilala akong magpapasaya sa akin”

Paglilinaw pa ni Joshua.

Samantala maliban pa sa proyekto niyang horror movie na ‘Ang Mga Kaibigan Ni Mama San’ ay nakalinya din na bumida si Joshua sa isang action movie at ayon pa sa aktor ay hindi siya namimili ng mga proyektong gagawin

Photo Credit: Joshua Garcia Instagram

“Kung ano kasi yung pumapasok na project tanggap lang nang tanggap, di ba? Nagiging happy lang ako kasi siyempre iba’t ibang genre yung nabibigay sa akin. At least nagagawa ko lahat. Nagiging flexible ako as an actor”

Masayang pag-amin pa nito.