Sa tuwing maririnig natin ang apelyidong Eigenmann sa industriya ng showbiz, tumatatak agad sa ating mga isipan ang mga gwapo at magagandang mukha ng mga kilalang artista na may dugong Eigenmann.

Kilalang-kilala ang kanilang pamilya dahil maliban sa magagandang mukha ay taglay rin nila ang husay at galing sa pag-arte. Isa sa miyembro ng pamilyang ito ang beteranang aktres na si Cherie Gil.

Si Evangeline Rose Gil Eigenmann o mas kilala bilang Cherie Gil ay isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz. Nagsimula siya sa pag-aatista sa edad na 9 na taong gulang. Naging matagumpay ang kanyang karera, kaya naman talagang bumuhos ang mga proyektong dumating sa kanya at mas lalo pa siyang nakilala.

Kasabay ng kanyang matagumpay at namamayagpag na karera ay mayroon rin siyang anak na dapat niyang ipagmalaki. Dahil lingid sa kaalaman ng nakararami ang beteranang aktres pala ay may anak na talagang nakakapagpakilig sa mga kababaihan dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Ang nasabing anak ni Cherie ay bunga ng kanilang pagmamahalan ni Ronny Rogoff na dati niyang asawa na isang magaling na Violinist.

Ang napakagwapong anak na Cherie na hindi maitatanggi ang pagkakahawig nito sa kanyang ama ay nagngangalang Rafael Eigenmann Rogoff. Hindi rin mawawala na may dugong Eigenmann rin ito mula sa kanyang ina. Mayroon rin siyang Ate Bianca na sadyang napakaganda at talagang hindi maipagkakaila ang taglay na magandang lahi ng mga ito.

Ang napakagwapong si Raphael ay nakapagtapos ng highschool noong 2016 sa New York sa Scarsdale Senior Highschool. Samantalang sa ngayon naman ay nagsusumikap siya sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo kung saan ay pumapasok siya sa New York University at kumukuha ng kursong Global Liberal Studies Concentrating in Ethics, Politics and Religion. Kaya naman ang binata ay kadalasang naglalagi sa New York upang matutukan ang kanyang pag-aaral.

Ngunit maliban sa kanyang pag-aaral ay may iba pang hilig ang binata. Mahilig rin umano siya sa sports at ang pinakapaborito niya ay ang American Football. Ang anak na ito ni Cherie ay may malaking pagmamahal rin sa mga hayop lalong-lalo na sa mga aso na talagang masasabing isa siyang certified dog-lover.
Bilang isang tipikal na binata, si Raphael ay namamasyal rin upang kanyang maexplore ang ibat ibang lugar para maranasan ang mga bagay-bagay. Kagaya na lamang ng siya ay pumunta sa isang lugar na kung saan ay naranasan niya ang sumakay sa isang Elepante.

Hindi rin maipagkakila na namana ni Raphael ang galing ng ina sa pag-arte dahil isa rin siyang aktor sa teatro. Siyempre, hindi rin magpapahuli ang kanyang buhay pag-ibig dahil ito ay napakakulay sa piling ng kanyang kasintahan.
Sila ng kanyang napakagandang nobya ay may parehong hilig sa paglalakbay at pamamasyal sa ibat-ibang lugar. Sa katunayan, ang kanilang social media account ay punong-puno ng mga magagandang larawan nang magkasama silang nagbakasyon sa Abu Dhabi.

Talaga nga namang mahilig mag-explore ang naturang binata sa ibat-ibang lugar kaya naman narating narin nito ang mga bansa kagaya ng France, Australia at Spain. Ngunit ang pinakapaborito niyang puntahan ay ang Pilipinas. Kamakailan nga ng masaya siyang nagbakasyon sa bansa upang bisitahin ang kanyang pamilya.

Maging ang mga kaibigan niyang mga artista ay kanya ring nakasama noong siya ay nagbakasyon sa bansa, ilan sa mga ito ay sina Inigo Pascual at Ylona Garcia.
Bagamat sa ibang bansa namamalagi ang binata, nakakatuwa paring isipin na hindi niya nakakalimutan ang mga taong nagmamahal sa kanya sa bansang Pilipinas. Higit sa lahat, hindi niya nakakalimutan ang pagkakaroon ng dugong Pinoy dahil kanyang pinag-aaralan ang ating kultura sa pamamagitan ng pamamasyal sa ibat-ibang bahagi ng bansa.