Kilalanin: Isang Pinoy Tricycle Driver, Hawig Umano Kay NBA Legend Kobe Bryant

Kamakailan lamang ng pumanaw ang NBA Legend na si Kobe Bryant mula sa helicopter accident. Bumuhos ng sari-saring mga reaksyon at paghihinagpis mula sa ating mga kababayan.

Photo Credit: Google Image




Marami rin ang nag-alay ng kanilang magaganda at talentadong tribute para sa Black Mamba. Ngunit, nitong nakaraan ay may isang taong pinag-uusapan sa social media dahil umano kahawig nito ang yumaong NBA Legend na si Kobe Bryant.

Photo Credit: Leovic Panganiban Facebook

Ang taong ito ay si Leovic Panganiban na isang tricycle driver na nagmula sa bayan ng Sto. Tomas sa Isabela. Ayon sa tricycle driver, marami raw ang nagsasabi na kahawig niya ang yumaong NBA Legend at dahil dito marami raw ang nagpapapicture sa kanya kahit ang mga ito ay hindi niya kilala.

Photo Credit: Leovic Panganiban Facebook




Salaysay ng tricycle driver, maliit pa lamang siya ay iniidolo na niya si Kobe. At malaki rin ang pagkahilig niya sa paglalaro ng basketball. Dahil sa labis na pagkahilig sa larong basketball ay na-injured pa umano ang kanyang paa noong siya ay bata pa, subalit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang hilig sa paglalaro ng basketball.

Sabi ni Leovic, “ball is life”.

Kaya naman walang makakapigil sa kanya sa paglalaro ng basketball.

“Pinatigil ako maglaro ng tatay ko pero nagba-basketball pa rin ako ‘pag tinatawag ng tropa”

Sabi ni Leovic.

Photo Credit: Leovic Panganiban Facebook




Maliban nga sa pagkakahawig at pagkakapareho ng hilig sa basketball, isa ring mapagmahal at mabuting asawa si Leovic katulad ni Kobe sa asawa nitong si Vanessa at apat nilang mga anak. Kaya naman hindi maikakaila ang pagkakatulad nila ni Kobe, na talagang pumatok sa ating mga kababayan kaya siya ngayo’y binansagang Pinoy Black Mamba.

Photo Credit: Google Image

Ang mukha ng tricycle driver na si Leovic ay hindi maitatanggi ang pagkakahawig kay Kobe Bryant na tila ba sila’y pinagbiyak na bunga kung pagmamasdan. Kaya naman para na ring isang buhay na buhay na NBA Legend Kobe Bryant ang ating masisilayan sa katauhan ni Leovic.

Tulad ng ibang tagahanga ni Kobe Bryant, malaki rin ang paghanga ni Leovic sa yumaong NBA Legend, kaya naman maging siya ay labis na nalungkot sa pagkawala nito mula sa isang aksidente.

Photo Credit: Google Image




Si Kobe at si Gianna ay naihimlay na noong nakaraang linggo matapos ang isang pribadong seremonya. Nailagak na ang mga labi ng mag-ama sa Pacific View Memorial Park sa Corona del Mar sa Los Angeles.