Kilalanin Ang Napakagandang Anak Nina Jeric Raval At Monica Herrera

Bilang tagahanga ng ating mga iniidolong artista, ay nagkakaroon tayo ng interes sa kanilang personal na buhay, maging sa kanilang mga anak.

Photo Credit: Google Image




Maraming kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ang nagkaroon ng mga magaganda at gwapong anak. Dahil talaga namang kahanga-hanga ang taglay na pisikal na katangian ng ating mga idolong artista sa industriya ng showbiz ay humahaba narin ang listahan ng mga anak ng artistang may magagandang mukha. Kabilang sa mahabang listahan ay ang anak ng kilalang action star na si Jeric Raval na si Janina Carly Raval.

Photo Credit: Google Image

Si Jeric Raval ay isang kilalang aktor sa mundo ng showbiz bilang isang action star. Sa kanyang mala-bad boy na imahe ay talaga namang pumatok sa publiko ang kanyang mga ginawang pelikula. Noong kanyang kapanahunan ay isa siya sa pinakamahusay gumawa ng action stunts at may kahanga-hangang husay sa pag-arte. Marami rin sa ating kababayan ang nabihag ang puso sa kanyang angking kagwapohan na talaga namang kinakiligan ng mga manonood. Dahil sa kanyang pagkakaron ng bad boy na imahe na tumatak sa publiko, maraming mga kababaihan rin ang humanga at napamahal kay Jeric.




Photo Credit: Google Image

Matapos ang ilang taong pamamahinga sa showbiz ay sinubukan niyang muli ang pagkakataong makapasok sa industriya ng showbiz dahil aakalain mong hindi ito tumatanda at nanatili paring matikas ang pangangatawan nito. Kasabay nito, binahagi niya ang kanyang personal na buhay, dahil na rin sa taglay niyang magandang katangian maraming babae ang nahumaling sakanya. Ipinahayag niya na nagkaroon siya ng walong anak sa iba’t-ibang babae. May tatlong anak siya sa una niyang nakarelasyon na si Monica Herrera samantalang nagkaroon naman siya ng limang anak sa kanyang kasulukuyang kinakasama.

Photo Credit: Google Image




Sa taglay na magandang katangian ni Jeric Naval at Monica bilang magkapareha ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang magandang dilag, ito ay si Janica Carly Herrera. Si Janica Carla Herrera ay bunsong anak ni Jeric sa dating kasintahang aktres na si Monica Herrera. Hindi maipagkakailang namana nito ang angking magandang katangian, lalung-lalo na ang kagandahan ng kanyang iba. Kaya naman sa tuwing nagkakaroon ng social gatherings ay napapagkamalan itong nobya ng aktor ngunit agad naman itong nililinaw ng aktor na ang kanyang kasama ay ang kanyang anak.

Photo Credit: Google Image

Dahil sa namanang talento at angking kagandahan sa mga ay hindi nagdalawang isip ang dalaga na pasokin rin ang mundo ng showbiz. Bukod sa taglay na ganda ni Janica ay may angking talento din siya sa paggamit ng mga instrumento sa musika at isa ring mang-aawit kaya naman nagkaroon siya ng kontrata sa Viva Artist Agency. Sadyang mapagmahal sa musika si Janica kaya naman mahilig rin itong gumawa at magsulat ng mga kanta. May talento rin ito sa larangan ng fashion dahil mahilig rin siyang gumawa ng mga fashion sketches. Bukod sa taglay niyang mga talentong ito, nakakahiligan rin ng dalaga ang paglalaro ng skate board.




Walang duda na namana nga nito ang talento kanyang mga magulang kung saan makikitaan talaga ng husay at potential bilang artista sa industriya ng showbiz.