Ang mga kilala nating personalidad sa industriya ng showbiz ay ating hinahangaan dahil sa kanilang magagandang mukha at pagkatao.

Kaya naman ang kanilang mga tagahanga ay talagang nakasubaybay sa mga kaganapan ng kanilang buhay. Maging ang mga miyembro ng pamilya, lalong-lalo na ang mga anak ng hinahangaang artista ay hindi rin pinapalampas ng mga tagahanga ang pagkakataong makilala ang mga ito.

Nitong nakaraan nga nang lumikha ng ingay sa social media ang anak ng dating boksingero at komedyante na si Onyok Velasco dahil sa taglay na kagandahan nito at pagkakahawig sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Ang magandang dilag na ito na anak ni Onyok Velasco ay nagngangalang Ry Velasco. Si Ry ay kasalukuyang nag-aaral sa De La Salle College of St Benilde at kumukuha ng kursong Export Management.

Bukod sa pagiging abala ni Ry sa kanyang pag-aaral ay naglalaan rin siya ng oras sa kanyang nais gawin kung saan isa rin siyang Youtube vlogger. Gumagawa siya ng mga video tungkol sa ibat-ibang beauty products at gumagawa rin siya ng mga make up tutorials para sa mga nais matuto magmake up.
Dahil sa galing niya at talento sa pag-vlog ay humakot na siya ng mga subscribers sa kanyang Youtube Channel kung saan ay nasa mahigit 100,000 na ito. Plano rin umano ni Ry na maging isang make up artists at naniniwala siya na mas lalo pa niyang nahahasa ang kanyang kakayahan sa tulong na rin ng mga videos na kanyang ginagawa.

Naging bisita na rin si Ry sa programang Magandang Buhay upang makapanayam nina Momshie Jolina, Momshie Karla at Momshie Melai. Kasama niya ring nag-guest sa programa ang kanyang ama na si Onyok. Sinabi niya sa host na kahit anong kumpetisyon man ang pasukin o lahukan nilang magkakapatid ay handa silang suportahan ng kanilang amang si Onyok. Kapansin-pansin rin na may pagkakahawig ang dalaga sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Marami rin ang nakapansin sa pagiging malapit ni Ry sa ama na makikita sa mga larawang ibinabahagi nito sa social media. Bilang dating boksingero, tinuruan ni Onyok si Ry kung paano maprotektahan ang sarili sa oras ng panganib. Makakatulong umano ito lalo na sa panahon ngayon na marami ang mga kapahamakang nagaganap sa paligid.

Sa makikitang pagiging malapit ng mag-ama sa isat-isa, ay makikita rin ang pagmamahalan nila bilang mag-ama.