Kilalanin ang mga Sikat na Artista na Nakapagtapos ng Kolehiyo

Tunay nga na napakahalaga ng edukasyon sa ating buhay, kaya naman may ilan na kahit may iba ng pinagkakaabalahan ay naglalaan parin ng oras upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.




Maging sa mundo ng showbiz ay mahalaga rin ang edukasyon, bagamat ang ilan ay hindi na ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mas pinili na lang na pagtuunan ng pansin ang pinasok na karera. Ngunit, may mga kilala rin namang personalidad na sa kabila ng tinatamasang kasikatan ay naglalaan parin ng oras sa kanilang pag-aaral sa kursong napili upang makapagtapos.

Kaya naman ating kilalanin ang pitong personalidad na nagsumikap sa kanilang pag-aaral upang makapagtapos sa kolehiyo sa kursong kanilang napili.

1. Liza Soberano

Si Liza Soberano ay kilalang-kilala sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang napakagandang mukha at galing sa pag-arte. Ngunit, bukod sa kanyang matagumpay na karera ay kanya ring pinaglalaanan ng oras ang kanyang pag-aaral. Kaya naman sa kabila ng namamayagpag na karera ay kanya paring ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral at nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong BS Psychology sa Southville International.

Photo Credit: Google Image



2. Jackie Gonzaga

Si Jackie ay nakilala sa programa ng noontime show na It’s Showtime bilang si “Ate Girl”. Marahil ay marami ang nakapanood kay Jackie at Vice sa tuwing sila ay nagkukulitan sa programa. Ngunit, sa kabila pala ng trabaho niya sa programa ay nakapagtapos rin siya sa kolehiyo. Ang magaling na dancer na si Jackie ay nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong International Studies sa Miriam College.

Photo Credit: Google Image

3. Enchong Dee

Ang kilalang aktor naman na si Enchong Dee ay nagsumikap sa kanyang pag-aaral at kanyang tinupad ang nais na kursong Developmental Studies sa De La Salle University. Kabilang rin ang aktor sa swimming team ng naturang unibersidad.

Photo Credit: Google Image



4. Robi Domingo

Si Robi Domingo ay nakilala sa industriya ng showbiz bilang isang magaling na host. At maging para sa kanya ay mahalaga rin ang edukasyon. Kaya naman masaya niyang tinapos ang pag-aaral sa kursong BS Health Sciences sa Ateneo de Manila University.

Photo Credit: Google Image

5. Carla Abellana

Ang mahusay sa pag-arte na may magandang mukha na si Carla Abellana ay nakapagtapos naman ng kolehiyo sa De La Salle University sa napiling kurso na Psychology.

Photo Credit: Google Image



6. Marian Rivera

Ang hinahangaan at kinikilalang “Primetime Queen” ng GMA Network na si Marian Rivera ay nakapagtapos naman ng kolehiyo sa kursong Psychology sa De La Salle University, Dasmariñas.

Photo Credit: Google Image

7. Kris Aquino

Ang tinaguriang “Queen Of All Media” sa industriya ng showbiz naman at kilalang host na si Kris Aquino ay nagsumikap sa pag-aaral at tinapos ang kolehiyo sa kursong English Literature sa Ateneo de Manila. Kaya naman labis siyang ipinagmamalaki ng inang si Cory Aquino.

Ilan lamang sila sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz na talagang pinahalagahan ang edukasyon na sa kabila ng kanilang kasikatan ay mas pinili paring ipagpatuloy ang pag-aaral upang makapagtapos ng kolehiyo.




Tunay nga na napakahalaga ng edukasyon na maging ang mga sikat na artista na may maayos nang buhay at karera, ay hindi pinalagpas ang pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa kursong kanilang napili at minahal. Kaya naman labis rin ang sayang dulot sa kanilang mga magulang sa natamo nilang tagumpay.