Marami sa atin ang mahilig nagpalagay ng kung anu-ano sa ating katawan na nakakadagdag ng ganda sa atin na nagtataglay ng ibat-ibang simbolo ng ating pagkatao.

Maliban sa tattoo, ay kilala rin ang ear piercing na kinagigiliwan ngayon na nagbibigay ng palatandaan at simbolo sa atin. Bagama’t masakit magpalagay ng ear piercing ay hindi alintana ang sakit nito para lang sa hatid na ganda nito. Iba’t-ibang klase ang ear piercing na nakadepende sa presyo ng nais mong ilagay na disenyo ng hikaw at kung saang bahagi ng tainga mo gustong magpabutas.

Maging ang mga sikat na artista ay kinagigiliwan rin ang pagpapalagay ng ear piercing bilang dagdag kagandahan sa fashion na nais nila o kaya naman ay sumisimbolo ng mga pangyayari sa kanilang buhay.
Kaya naman ang sikat na aktres na si Kathryn Bernardo ay hindi nagpahuli sa fashion na kinagigiliwan ng marami, ang ear piercing. Malaki ang pagkahilig ng aktres sa ear piercing, sa katunayan ay may nauna na siyang mga piercing. At ngayon nga ay dinagdagan niya ang kanyang koleksyon ng ear piercing.
Ayon sa ulat ng Metro Style, nagpagawa umano si Kathryn ng bagong ear piercing sa Dubai na talagang kahanga-hanga at kinagiliwan ng mga netizens ng makita ang ibinahagi niyang napakagandang larawan nito.

Ngunit, hindi biro ang halaga ng naturang ear piercing ni Kathryn ngayon dahil nagkakahalaga umano ito ng Php 300,000 na kanyang pinagawa sa Maria Tash sa Dubai.

Noong nakaraang buwan lamang ng Enero ay kakapalagay lang ni Kathryn ng ear piercing. Kung saan kanyang ibinahgi sa kanyang Youtube Channel na “Everyday Kath” para sa kanyang mga subscriber at mga tagahanga.
Sa mga naunang panayam sa kanya, sinabi ng aktres na ginagawa niya ang pagpapalagay ng bagong ear piercing sa tuwing may nagagawa siyang achievement sa kanyang buhay.

Napakaganda ng ear piercing ni Kathryn na talagang hinangaan ng marami. Ngunit, ito pala ay may malalim na dahilan at simbolo sa kanyang buhay. Na kanyang maalala ang mga achievement na kanyang nagawa sa tuwing makikita niya ang kanyang mga ear piercing.
Kahanga-hanga ka Kath❤ Bagamat masakit ay handa mong tiisin para lamang sa ala-ala at ganda na hatid nito.