Dumarami na ang mga artistang pinapasok ang pagnenegosyo upang kanilang pagkaabalahan kasabay ng kanilang pagiging artista.

Ngunit ang mga negosyo na kanilang pinapasok ay hindi lamang pampalipas oras kundi talagang kanilang pinagsusumikapang mapaunlad at higit sa lahat ay may mga mahahalagang aral din silang napupulot dito.
Kagaya na lamang ng aktres na si Kathryn Bernardo na talagang napaka-hands on sa kanyang negosyo kaya naman ibinahagi niya ang mahalagang aral na natutunan sa pagnenegosyo.

Ayon sa aktres, bagamat baguhan pa lamang siya sa larangan ng pagnenegosyo ay marami na umano siyang natutunan sa pagpapatakbo ng negosyo.

Sa kanyang naging panayam sa PEP.ph, ibinahagi ni Kathryn na mahalagang magkaroon ng tamang pagmomonitor o pagta-track ng mga perang lumalabas o pumapasok sa negosyo kahit piso pa ito.
“Kasi with business…kahit piso iyan, ten pesos, lahat ‘yan nagma-matter kasi hindi lang iniisip mo dito kayo lang. Mayroong mga empleyado ka na may mga pamilya, so kailangan mo rin silang isipin”
Sabi ni Kathryn.

Si Kathryn ay may KathNails na isang nail salon na binuksan noong 2017, samantalang ang kanyang boyfriend naman na si Daniel Padilla ay co-owner ng gastropub sa District 8. Ang magkasintahan ay nagkaroon ng ideya na magdagdag ng kanilang negosyo kung saan ay para naman sa mga lalakihan. Ito ay isang barbershop na pinangalanan nilang Barber Blues na binuksan lamang noong nakaraang taon.

Ayon kay Daniel, nabuo raw ang Barber Blues sa konsepto na kanilang naisip kung saan maaari raw ditong pumunta ang mga asawa o boyfriend ng mga customer nilang babae habang nasa KathNails ang mga ito.
“Kasi, siyempre ang KathNails, it’s more on the women. Kapag nandoon sila, saan pupunta mga asawa nila, ‘di ba? Boyfriends nila, saan tatambay, ‘di ba? So, naisip namin na, kunwari, siya nagpapa-nails siya, ako nagpapagupit ako. Doon nagsimula iyong barber shop na iyon”
Sabi niya.

Ibinunyag rin ng aktor na si Daniel na pagdating sa pagnenegosyo at paghawak ng pera ay si Kathryn ang mas may alam at magaling humawak kung saan ginagabayan umano siya ng ina nitong si Mommy Min.

Labis naman ang pasasalamat ni Kathryn na may isang ina na handa siyang suportahan at gabayan sa pagpapatakbo ng mga negosyo upang mapaunlad ang mga ito.
“Siya ang nag-ga-guide sa amin. Totoo, grabe siya. Kung paano mag-handle ng money, mga tao. Lahat ng stress, grabe, si Mama iyon,” saad ni Kathryn. “Ang hirap kapag company. It’s a whole new world for us kasi iba iyong artista, ‘tapos iba pag pinasok mo iyong mundong ito.”
Pahayag ni Kathryn.

Kahanga-hanga ang magkasintahan kung saan hindi lamang trabaho bilang mga artista ang pinaghuhusayan kundi maging ang mga pinapasok nilang negosyo ay kanilang pinapahalagahan. Good job KathNiel❤