Isa si Kara David sa mga sikat na journalist at reporter ngayon. Ang kanyang pangalan ay kabilang sa mga hinahangaan at nirerespeto pagdating sa larangan ng pamamahayag dito sa ating bansa.

Hindi na rin mabilang ang mga parangal na kanyang natanggap mula sa loob at labas ng ating bansa dahil sa angking galing niya sa pagiging isang journalist at dokumentarista.
Isa rin sa mga tunay na hinangaan ng mga mamamayan kay Kara David ay ang kanyang adbokasiya na nakakatulong sa marami nating kababayan. Ngunit alam niyo ba na bago nakilala si Kara David sa larangan ng pamamahayag ay isa muna siyang production assistant at researcher at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napasok at naging isang journalist at reporter.

Sa nakaraang episode ng GmA Public Affair show na “Tunay na Buhay” ay isinalaysay ni Kara David kung paano siya nagsimula at nakilala bilang isang journalist at reporter.

Ayon kay Kara taong 1995 ng pumasok siya bilang isang PA at researcher sa GMA Network para sa gaganaping Senatorial Election coverage ng GMA. Isang gabi ng siya ay mag-isa na lamang sa opisina at nagta-transcribe ay nakatanggap umano siya ng tawag mula sa isang haligi din ng pamamahayag ng GMA Network na si Jessica Soho. At dahil nga nag-iisa na lamang ng mga oras na iyon si Kara ay siya na lamang ang ipadala upang magcoverage sa isang lumubog na barko.
Sa pangyayaring iyon ay ipinakita ni Kara ang kanyang galing kaya’t ang coverage na itinalaga sa kanya ay naireport niya ng maayos na nagpabilib kay Jessica Soho at sinabi nga nito sa isa pang boss ng GMA news na si Marissa Flores na may talento at galing sa pagiging isang reporter si Kara David. Kaya’t agaran namang napromote si Kara bilang isang writer ng “Brigada Syete”.

Dito nagsimula na rin umano si Kara na maging substitute ng mga reporter kapag ang mga ito ay absent kaya nga nasabi niya na un talaga ang role niya noon ang maging substitute ng mga absent na reporter. Nagpatuloy ang pagiging reporter ni Kara David ng siya ay makasama bilang isang journalist sa ginanap na APEC summit noon dahil na rin sa kakulangan ng journalist.

Tuluyan ngang tinangkilik ng mga manonood ang mga kwentong likha ni Kara David, kaya’t taong 2001 ay naging isang dokumentarista siya para sa IWitness n talaga namang pumatok sa mga manonood.

Sa pagiging isang dokumentrista ng IWitness ay nagkamit si Kara David ng iba’t ibamg parangal at kabilang na nga dito ng 2010 George Foster Peabody Award na ikalawang parangal na nakuha ng isang Pilipino.
Patuloy nga naman ang magandang pamamayagpag ng karera ni Kara sa larangan ng pamamahayag. At ngayon ngang taong 2020 ay ipagdiriwang na ng nasabing journalist/reporter ang kanyang ika-25 anibersaryo bilang isang Kapuso Reporter.

Isa rin sa mga talagang hinangaan ng mga tao kay Kara David ay ang kanyang pagiging mapagmalasakit sa mga kababayan nating mahihirap katulad ng mga katutubong mangyan. Ang kanyang foundation na Project Malasakit ay hindi pa rin humihinto na makatulong na mapag-aral ang ilan nating mga katutubong mangyan at sa katunayan ay may napagtapos na sa kanilang mga tinulungan at ngayon ay may mga trabaho ng marangal at mga propesyonal narin.