Kapamilya Megastar Sharon Cuneta Nakuhanan Ng Mga Mamamahaling Mga Alahas Na Nagkakahalaga Ng 20 Milyon Piso

“Trust is a fragile thing, easy to break easy to lose and one of the hardest things to ever get back”

Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram




Tunay na sa oras na mawala na ang pagtitiwala mo sa isang tao napakahirap na itong maibalik pa sa dati. At maaring tuluyan ng magbago ang pakikitungo mo sa kadahilanan na natatakot ka ng muling maulit ito.

Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram

Ito ang pinagdadaanan ngayon ng aktres na si Sharon Cuneta matapos niyang mawalan ng mga mamahaling alahas na nagkakahalaga na 20 milyong piso. Marami ang nagtanung kung paanu nawala ang mga pagmamay-aring mga alahas ng kilalang singer at ilang mga hindi pa kumpirmadong ulat pa ang nagsilabasan patungkol dito.

Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram




Sa isa sa kanyang social media account ay ibinahagi ng aktres ang isang post patungkol sa isang tao na nagawa siyang lokohin.

“My Mommy used to say: ‘You lose your money, you lose a lot. You lose your friends, you lose more. You lose your name, you lose everything.’”

Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram

Samantala, nabanggit din ng “The Voice Teen” coach na talagang nahihirapan siya na makapagpatawad lalo na sa taong pinagkatiwalaan niya ng lubos.

“If you lose your name over money, you’re worse. If you lose your name over the money of someone who loved, trusted, and protected you, you are the worst. – God, please help me to forgive. Such a betrayal”

Pahayag pa ni Sharon.

Sa isang ulat ay nabigyan na ng kalinawan sa kung paanu nawala ang mga mamahaling alahas na personal na pagmamay-ari ng Kapamilya singer. Doon ay nabanggit na hiniram ng isang malapit na kamag-anak ang alahas at ng gusto ng muling kunin ng “Your Face Sounds Familiar” juror na bawiin ito ay doon na niya napag-alaman na naisangla na pala ang lahat ng kanyang mga alahas.




Sa kabilang banda, kahit na nalaman ng 54 na taong gulang na aktres kung saan napunta ang mga alahas na nawawala ay nahirapan na siya itong bawiin sapagkat kinakailangan na niya itong tubusin sa halagang 60 milyong piso matapos na lagyan na ng tubong interes ang mga nawawalang alahas ng isa sa mga kilalang pawnshop dito sa ating bansa.