Lahat tayo ay nangangarap na makapunta sa ibang lugar lalong lalo na sa ibang bansa upang mag-relax at maalis ang stress na ating nararamdaman.

Maganda rin ang pag-tatravel para mag-enjoy at makakita ng mga magagandang tanawin kasama ang mga mahal natin sa buhay. Ngunit hindi natin ito magagawa kung wala tayong sapat na pera upang magamit sa pagbabakasyon o kaya naman ay walang sapat na oras dahil may trabaho. Kaya naman, may ilan na talagang pinag-iiponan at pinaglalaan ng oras ang knilang “travel goals” para maenjoy nila ang bakasyon.

Kagaya na lamang ni Jinkee Pacquiao at kanyang kambal na naglaan ng oras para sa kanilang bonggang bakasyon sa Dubai.
Si Jinkee Pacquiao ay isang Filipino politician, media personality at isa ring film producer. Mas nakilala rin siya bilang maybahay ng sikat na boksingero na binansagang “Pambansang Kamao” sa ating bansa at isa ring Senador na si Senator Manny Pacquiao.
Kamakailan lamang ng ibahagi ng kilalang personalidad na si Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram Account ang tungkol sa bakasyon niya kasama ang kanyang kambal na si Janet Jamora sa Dubai. Ibinahagi ni Jinkee ang kanilang masayang karanasan sa hotel na kanilang tinuluyan kung saan nagkaroon sila ng magarbong almusal ng kanyang kambal. Ang hotel ay sadyang napakaganda at masasabing kakaiba ito sa mga napuntahan na nila.

Nagbahagi rin siya ng isang video kung saan makikita ang kagandahan ng hotel na may kamangha-manghang tanawin na talagang nakakapagpawala ng pagod at stress kung ito’y iyong pagmamasdan.

Para kay Jinkee Pacqiuao ay isang napakagandang bansa ang Dubai, na kung saan ay hindi siya nagsasawa na mamangha sa mga lugar na kanyang napupuntahan sa bansang ito. Isa sa mga hinangaan niya sa bansang Dubai ay ang pagkakaroon nito ng malinis at maaliwas na kapaligiran. Ang pagkain rin umano sa bansang ito ay kaaya-aya sa kanyang panlasa na talaga namang kanyang babalik balikan.
Maraming netizens ang namangha sa kanilang bakasyon kaya naman nagbigay ang mga ito ng komento at reaksyon. Ang ilan ay nagsabi na talagang malapit silang magkapatid sa isa’t isa. Kahit isa sila sa pinakamayamang personalidad sa ating bansa ay naglalaan parin sila ng oras upang magkaroon ng bonding bilang magkapatid, at ito nga ay ang pagkakaroon ng bakasyon sa ibang bansa.

Talaga nga namang masarap magbakasyon sa isang napakagandang lugar kasama ang mahal sa buhay. Marami sa ating mga Pilipino ang naghahangad rin makapagbakasyon sa ibang bansa. Ikaw anong bansa ang nasa travel list mo para sa iyong nalalapit na “travel goals”?