Si Emmanuel Pacqiuao Jr. o mas kilala bilang Jimuel Pacquiao ay ang panganay na anak ng Pambansang Kamao na isa ring Senator na si Manny Pacquiao at ng kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao.

Si Jimuel ay isa ring vlogger na kinagigiliwan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga videos na talagang nakakainspire.

Nito ngang nakaraan ay ibinahagi niya sa kanyang vlog sa kanyang Youtube Channel ang bagong video kung saan ang content nito ay kanyang pa “tour” sa kanyang kwarto. Ang kwarto ay isang pribadong silid sa ating bahay para sa ilan ngunit hindi para kay Jimuel dahil masaya niyang inisa-isa ang bawat sulok ng kanyang kwarto.


Pagpasok na pagpasok pa lang sa kwarto ni Jimuel ay makikita na agad kung gaano ito kalaki at kalawak. Ito na rin ang nagsisilbi niyang gaming space. Una niyang ipinakita ang kanyang X-box at personal computer na ginagamit niya sa kanyang pag-aaral at libangan na rin niya sa tuwing siya ay naglalaro.
May sofa at center table rin sa loob ng silid ni Jimuel kung saan nakalagay ang iba’t ibang kutkutin o makakain gaya ng pastillas at cookies na kinakain niya sa tuwing siya ay nakakaramdam ng gutom.


Hindi rin naman mawawala ang closet sa loob ng silid na pinaglalagyan ng magagarang damit ng nasabing binata. Makikita rin ang kanyang lagayan ng sapatos na kung saan ay nakasalansan ang mga collection nya ng sapatos na talagang nakakamangha at mapapa sana all ka dahil sa mga brand ng mga ito. May mga paintings din na makikita sa loob ng silid.



Talaga nga namang mapapa “sana all” ka na lang kung gaano ka-blessed si Jimuel sa mga bagay na meron siya ngunit ang lahat ng ito ay deserved nila bilang mga anak ng Pambansang Kamao kung saan bunga ito ng pagsisikap mula sa dugo at pawis ng kanilang ama.
Sa sobrang ganda ng silid ni Jimuel ay marami ang mga netizens na talaga namang humanga dito at nagbigay ng komento. Narito ang ilan:
“The way he treasures the painting he made with heaven… It was a product of Love… No doubt he really loved her or still love her?.”
“Oh man… Manny has done well. Your “room” is as big as a regular P7-10 million apartment in Manila. What you have now is because of your dad’s blood, sweat and tears. It’s well deserved.”
“RK shows what he’ve got inside his fancy room! I am happy for him but never got insecured. They deserved it for his Daddy been through a lot and hard worked a lot to get where they are now”
“This is the most honest room tour I’ve watched so far. Yung iba kasing celebs ipapaayos muna, papalinis and all. Which is fine. Pero ang honest lang kase neto?”