Janelle, Anak Ng Mag-asawang Singer Na Sina Jessa Zaragoza At Dinggong Avanzado, Humakot Ng Parangal Sa Kanyang Pag-aaral

Ang palaging ipinapayo sa atin ng ating mga magulang ay magsumikap sa pag-aaral upang makapagtapos dahil ito lamang ang maaari nilang ipamana sa atin na makapagpapabago ng ating buhay.

Photo Credit: Jayda Instagram




Gaano man kahirap ang buhay, ang ating mga magulang ay kumakayod para makapag-aral ang mga mahal na anak upang maabot ang mga pangarap sa buhay. Ang pag-aaral ang nagsisilbing daan upang mabago at guminhawa ang buhay kung saan makakatulong ka na rin sa iyong pamiya kapag nakapagtapos na at magkaroon ng maayos na trabaho.

Photo Credit: Jayda Instagram

Ang pag-aaral ay kailangan mong paglaanan ng oras at magkaroon ng sipag at tiyaga sa pagpasok upang magawa ang mga aralin. Kaya naman may mga mag-aaral na sadyang naglalaan ng oras sa kabila ng kanilang ibang gawain na upang makapagtapos at magtagumpay sa buhay.

Photo Credit: Jayda Instagram




Isa na rito si Janelle na anak ng mag-asawang singer na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado kung saan ay nagsusumikap pag-aaral kahit busy siya sa kanyang karera bilang isang mang-aawit.

Photo Credit: Jayda Instagram

Dahil sa pagiging masipag at matiyaga ni Janelle sa kanyang pag-aaral ay nakapagtapos na siya ng highschool at may natanggap pang parangal. Ipinakita niya ang kanyang mga natanggap na achievements na katunayan na talagang siya ay nag-aral ng mabuti.

“Currently towards the end of my junior year of high school but I recieved my certificates for last school year’s achievement today? Home schooling has come with its own challenges but I’m very thankful my parente and I decided to take on them, as I’m able to do what I love most; which is making music, singing and performing while still getting my education”

Sambit ni Janelle.




Photo Credit: Jayda Instagram
Photo Credit: Jayda Instagram

Ayon kay Janelle, ay naghome-schooling umano siya kung saan kasabay ng kanyang karera sa pag-awit at pagmamahal niya sa musika, ay nagagawa parin niyang maglaan ng oras sa kanyang pag-aaral.




Photo Credit: Jayda Instagram

Kahanga-hanga ang pagsusumikap ni Janelle sa kanyang pag-aaral na kasabay nito ay ang pag-abot rin sa mga pangarap niya bilang singer. Gaano man kahirap balansehin ang oras ay nakakaya niya naman itong gawin ng sabay. Napaka-blessed niya rin dahil mayroon siyang magulang na mahal na mahal siya na talagang sinusuportahan ang mga nais niyang makamit sa buhay.