Ilang buwan na nga ang nakakalipas matapos maging matunog sa publiko ang pangalan nina James Reid at Nadine Lustre matapos mapabalita ang kanilang paghihiwalay bilang magkasintahan sa loob ng apat na taon.

Marami ang nagulat at nalungkot sa nakakabiglang pangyayaring ito, ngunit mas pinili ng dating magkasintahan na magkaroon na lamang na kanya-kanyang buhay upang mas lalo pang mahasa ang kakayahan ng bawat isa.

Naging maayos naman ang samahan nina James at Nadine bilang magkasintahan. Na naging usap-usapan at napabalita pa noong taong 2017 na nagsasama sa iisang bubong ang dalawa. Matatandaan ang linya na sinabi ni Nadine sa isang panayam na “Come on guys, it’s 2017” tungkol sa issue na ito. Ngunit hindi nagbigay ng direktang pahayag ang aktres sa nasabing set up nilang dalawa. At sa programa nga na Gandang Gabi Vice, sa naging panayam kay James ay kinumpirma niya ito noong nakaraang taon.

Ngunit, ang masaya nilang samahan bilang magkasintahan ay agad nagwakas matapos ang apat na taon nilang relasyon. At ngayon nga ay ibinibenta na ni James Reid ang bahay na matatagpuan sa Quezon City, kung saan naging tahanan at saksi ng kanilang pag-iibigan ni Nadine.
Ayon sa isang real-estate listing, ibinahagi ito ni James sa Instagram noong Martes.

Nilakipan ni James ng caption na “My house is for sale”, ang kuha ng mga pinagsama-samang larawan kung saan makikita ang loob at labas ng kanyang bahay na matatagpuan sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.


Ang napakalaki at napakagandang tahanan na ito ay nakatayo sa 1000sqm na lote kung saan ito ay may 3 palapag na bahay, na may 7 silid-tulugan, isang malaki at malawak na espasyo ng sala, 2 malalaking kusina, isang soundproof recording studio, mayroon rin itong 25m lap pool, may gym na kompleto sa kagamitan, at garahe para sa anim na kotse.


Isang patunay na ang naturang bahay ay ang bahay kung saan nakasama ni James si Nadine ay ang chandelier sa mataas nitong ceiling na malapit sa kahoy na harang sa hagdan sa ikalawang palapag ng bahay. Ang ilan sa mga kagamitang ito, ang kadalasang nakikitang background ni Nadine ng kanyang mga larawan sa Instagram.