Connect with us

Entertainment

It’s ShowTime Host Vice Ganda at Nobyong Si Ion Perez Nagbakasyon Sa Amanpulo Para Sa Kanilang Early Valentine Celebration

Published

on

Sino ba ang hindi kinikilig sa tuwing mapapanuod natin sina Vice Ganda at Ion Perez sa programang It’s Showtime at talagang nasanay na tayo na makita sila na masayang masaya nagpapalitan ng mga makabuluhang mensahe sa isa’t isa.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram




Nagsimula ang magandang samahan ng dalawa taong 2018 pa at mas lalo pang tumindi ang usapan kung may namamagitan sa kanila ng maging kabahagi si Ion sa segment na ‘Miss Q&A’. Sa naturang segment gumanap ang gwapong Kapamilya host bilang Kuya Escort at maraming pagkakataon na pinakilig nila ang mga manunuod dahil sa kanilang malalambing na usapan.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Sa kabilang banda, hindi man nila tahasang inamin noong una ang tunay na namamagitan sa kanila ay kapansin-pansin ang malalambing nilang post patungkol sa isa’t isa. At noong Oktubre 26, 2019 selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng Kapamilya show ay tahasan na nilang inamin sa public television na sila na ngang dalawa.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Sa mga avid viewer ng programa siguradong nagtatanung kayo kung bakit ilang araw ng wala ang dalawa sa Kapamilya noontime show at ang sagot ay makikita sa Instagram ng unkabogable star. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Ion habang nagbabakasyon sa isang sikat na tourist destination sa ating bansa.




Sa Instagram account ng ‘The Mall The Merrier’ star ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Ion habang nakatingin sa magandang tanawin, “praybeytbenjamin When LOVE wins we win”, caption pa dito ni Vice.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Samantala, nagbahagi din si Ion ng ilang mga larawan sa kanyang Instagram kuha mula sa tinutuluyan nilang Beach Casitas kung saan ibinahagi pa niya ang isang nakakakilig na mensahe.

“Wala akong maisip na caption babe basta KALUGURAN DAKA!!!”

Sabi pa niya dito.




Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Pinili ng dalawa na icelebrate ang nalalapit na Araw Ng Mga Puso sa isang bakasyon sa Amanpulo, Palawan. Ang nasabing lugar ay kilalang kilala dahil sa magagandang tanawin na makikita dito.

Ilan mga kapwa celebrity at mga tagahanga ng ‘ViceIon’ ang kinikilig na nagpaabot ng kanilang mga mensahe kina Vice at Ion.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram




“beaalonzo @praybeytbenjamin dreamy!! ??? love this! ❤️”

“iamsuperbianca DESERVE ❤️❤️”

“iamkarendavila LOVE ? my friend she is in the casita/villa next to you!! @praybeytbenjamin ?”

“romeroyachtsmen im so proud na nakita ko kayo sainyo nalang po ako sumasaya ng husto❤️”

“jamielynelleva0302 Love wins talaga!!!!!
??????”.

error: Content is protected !!