Kamakailan nga nang maging usap-usapan ng publiko ang kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil sa hindi pagpayag ng ina ni Sarah na matuloy ang kasal ng dalawa.

Ngunit, dahil sa labis na pagmamahal sa isa’t-isa ay kanila itong ginawan ng paraan upang matuloy lamang.

Naging maayos naman sa simula ang kasal nina Sarah at Matteo na ginanap sa Victory Church sa Bonifacio Global City. Pinangunahan ito ni Pastor Paolo Punzalan. Marahil ay pamilyar ang kanyang pangalan, dahil siya lang naman ang anak ng yumaong TV at Radio personalities na sina Helen Vela at Orly Punzalan.

Masaya ang lahat sa reception ng kasal, ngunit biglang dumating ang ina ni Sarah na si Mommy Divine na galit na galit sa nangyayari. Na naging dahilan umano upang suntukin ni Matteo ang body guard ni Sarah dahil sa pagsusumbong nito kay Mommy Divine.
Ang insidenteng ito ang nagtulak sa close in security ni Sarah na si Tamara upang ipablotter at ipatulfo si Matteo. Malaki ang posibilidad na magkaharap at magkausap sina Matteo at Tamara dahil mismong si sir Raffy Tulfo ang gagawa ng paraan upang sila’y magkapaliwanagan.

Pumutok ang balita at nalaman ng publiko ang mga detalye sa naganap na kaguluhan noong araw ng kasal dahil sa pagpapa-blotter ni Tamara kay Matteo sa Taguig Police na umano’y sinuntok siya ng aktor. Ngunit, ang bagay na ito ay agad na pinabulaanan ng mga bagong kasal.
Ngunit, si Mommy Divine nga ba ang nag-udyok kay Tamara upang ipablotter at ipatulfo si Matteo?

Ayon sa naiulat na balita, inamin ni Tamara na si Mommy Divine ang nag-utos sa kanya upang magsadya sa Taguig Police upang ipablotter si Matteo.
Maging sa pagpapatulfo kay Matteo, pinaniniwalaan ring si Mommy Divine ang nag-udyok kay Tamara upang pumunta sa studio ng radyo ng programa ni sir Raffy Tulfo noong February 24 araw ng Lunes upang magpahayag ng reklamo.

Marami ang nakasaksi at nakapanood ng live sa programa ni Tulfo tungkol sa real-life drama sa hindi nailihim na pag-iisang dibdib nina Sarah at Matteo.
Sa naging panayam, inamin ni Tamara na si Mommy Divine ang naghire at nagpapasahod sa kanya bilang body guard ni Sarah.

Marami ang nalungkot sa kinahantungan ng sekretong kasal nina Sarah at Matteo, dahil sa ginawang aksyon ng ina ni Sarah sa pag-uutos kay Tamara para magpablotter at pagpapa-Tulfo pa kay Matteo. Na sana ay naging tahimik at masaya ang naging kinahantungan ng sekretong kasal nina Sarah at Matteo na kung saan ay hindi ito nabahiran ng kontrobersya kung hindi sana nangialam ang ina ni Sarah.
Sa ginawang aksyon na ito ni Mommy Divine ay mas lalo pang nadagdagan ang personal na batikos ng publiko sa kanya, na kung saan ay talagang mahigpit ang pagtutol niya na maging masaya at maikasal ang kanyang anak sa lalaking labis nitong mahal.